Andrea ipinakita na lahat sa kanyang coffee table Book!
Nag-first taping day na si Andrea Torres para sa guesting niya sa Pari Koy na magsisimula next week at tatagal ng two weeks. Sa Week 16 at 17 mapapanood ang karakter ni Andrea bilang si Leila, isang exotic dancer/escort girl na mai-involve kay Spanky Manikan, gumaganap na ama ni Dingdong Dantes sa soap.
Matindi agad ang mga eksenang ginawa ni Andrea dahil may sexy dance number siya sa harap ng maraming male talents at may mga kissing scene sila ni Marco Alcaraz na gumaganap sa role ni Bart, ang kanyang boyfriend na pinagkakwartahan siya at ibinubugaw sa customers.
Inamin ni Andrea na kinabahan siya noong una dahil first time niyang gagawa ng ganitong role at sa primetime pa. Pero kinausap siya ng manager niyang si Rams David at dahil may tiwala siya rito ay kinalimutan ang kaba.
Napalitan ‘yun ng excitement dahil ngayon lang niya makakaeksena ng matagal si Dingdong at honored siya.
Samantala, sa August 7 na lilipad for Cambodia si Andrea kasama si Mikael Daez para dumalo sa premiere night ng Blood In Dispute na ginawa nila roon. Unang ipalalabas itong pelikula at saka isusunod ang TV airing.
Sa September naman lalabas ang coffee table book ni Andrea published ng Summit Publications, na siyang publisher din ng FHM. Iniintriga nga si Andrea dahil bakit siya at hindi si Jennylyn Mercado na napiling FHM Sexiest this year ang may coffee table book.
Misterless Misis nina Ruffa at LT mala-Desperate Housewives daw!
Sa August 2, 9 p.m., ang pilot ng Misterless Misis, ang bagong show ng TV5 na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Mitch Valdez, Gelli de Belen, Ritz Azul, at Ruffa Gutierrez. Every Sunday ito, so ito yata ang kapalit ng Mac & Chiz at hindi ang Kino Loves Pinay nina Tuesday Vargas at Lee O’ Brien.
Masipag mag-promote si LT ng bagong show na pagbabalik din niya sa TV5 dahil mula sa storycon hanggang sa first day taping at sa regular taping, may update siya sa kanyang Instagram (IG) account. Kaya mas lalong nai-excite ang fans ng aktres na matagal na siyang nami-miss mapanood regularly.
Masipag din mag-promote ng kanilang show sina Gelli at Ruffa na balik TV5 din. Ang sabi, mala-Desperate Housewives ang concept ng Misterless Misis, pero with Pinoy flavor kaya makaka-relate ang mga misis sa show.
Jake iniisnab-isnab na ni Bea
Kahit katabi ni Julie Anne San Jose sa interview si Jake Vargas sa presscon ng Buena Familia, hindi pa rin naiwasang tanungin ang aktor kay Bea Binene. Ito’y kahit matagal nang break ang dalawa and finally, napaamin si Jake sa isa sa mga rason kung bakit sila naghiwalay ni Bea.
Nawalan daw sila ng oras sa isa’t isa, lalo na siya dahil three shows ang ginagawa niya that time. Huli na nang ma-realize nila pareho na wala na silang relasyon at kahit ano’ng effort ni Jake na ayusin ito ay nag-give up na rin ang aktres.
Kuwento ni Jake, noong una, sumasagot pa si Bea tuwing tine-text niya para mangumusta, ngayon, total silence na ang aktres. Hindi na siya sinasagot at hindi na rin sila nagkikita.
Anyway, dito sa Buena Familia talaga ilu-launch ang love team nina Jake at Julie Anne dahil sa Pepito Manaloto, friends lang sila. May fans na ang love team nila at tinatawag ang mga sarili na JaLie at nangako silang susuportahan ang tambalan ng dalawa sa Afternoon Prime ng GMA 7 na sa July 28 ang pilot.
Noni nagpapakasubsob sa trabaho para makalimot sa nangyari sa anak?!
Kung ang asawang si Shamaine Buencamino ay pahinga muna sa trabaho after sa nangyari sa anak, ang asawa nitong si Noni Buencamino ay tuluy-tuloy ang taping sa My Faithful Husband. Kuwento ng isa sa cast ng drama series, nakikita nilang okay ang aktor at nakakangiti na ‘pag kausap ito, pero ‘pag nagsosolo na, napapansin nilang tahimik lang ito.
Sa My Faithful Husband natupad ang wish ni Noni na makapagtrabaho sa GMA 7 at binanggit ito ni Shamaine sa presscon ng My Mother’s Secret. Owner ng funeral parlor na pinagtatrabahuan ni Dennis Trillo ang role ni Noni sa My Faithful Husband.
- Latest