Jackie hindi pa rin sumusuko kina Andre at Kobe

Walang alinlangan na nakuha ng magkapatid na Andre at Kobe Paras ang height at basketball skills ng kanilang amang si Benjie Paras pero ang kanilang mukha ay minana nila sa kanilang estranged mother na si Jackie Forster.

Although parehong mahilig sa basketball sina Andre at Kobe, si Kobe ang nag-focus sa sport na ito habang si Andre naman ay minana sa kanyang estranged parents ang pag-aartista.

Dati ring basketball star si Benjie during his prime pero nag-divert ito sa pag-aartista matapos itong tumigil sa paglalaro.

Bilang ama, proud ang cager-turned comedian na si Benjie sa kanyang mga anak na parehong nagi-excel sa kanilang respective careers.

Samantala, hanggang ngayon ay napaka-remote pa rin ng posibilidad na muling maging magkaibigan ang dating mag-asawang Benjie at Jackie. Patuloy pa ring inaasam ni Jackie ang araw na makapiling niya ang kanyang dalawang anak na sina Andre at Kobe.

Ketchup pinag-aralan ang pagiging ‘ama’ ni Zanjoe

Aminado ang actor na si Ketchup Eusebio na biggest role niya bilang ama ng child star na ni Jana Agoncillo ang bagong morning TV series na Ningning na magsisimulang mapanood ngayong Lunes  (July 27) ng umaga bago mag-It’s Showtime.

Kahit wala pang asawa at anak sa tunay na buhay si Ketchup, pinag-aralan niya nang husto ang bagong papel na kanyang gagampanan at kasama na rito ang pag-observe niya sa atake ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad na pinagsamahan nila ni Jana. Tulad niya, wala pa ring asawa’t anak si Zanjoe pero nagampanan nito nang maayos ang papel bilang ama-amahan ng role na ginampanan ng bagong child star ng ABS-CBN.

“Maraming maiinlab sa kuwento ng Ningning,” paniniguro ni Ketchup na ang gumaganap na misis sa serye ay si Beauty Gonzales na siyang kapareha naman ni Zanjoe sa Dream Dad.

 

Show comments