Derek nabuwisit sa kagaspangan ng ugali ni Chris Brown

Binura na ni Chris Brown ang video ng kanyang pagmumura na violent reaction niya dahil pinigilan siya na makaalis ng Pilipinas noong Miyerkules.

Baka pinayuhan si Chris ng kanyang mga legal counsel na burahin ang video na nagpapakita ng kabastusan niya at puwedeng makaapekto sa kaso na isinampa laban sa kanya ng organizer ng concert na hindi sinipot ng American singer noong December 31, 2014.

Marami sa Pinoy fans ni Chris ang na-offend at na-turn off sa kagaspangan ng kanyang ugali na hindi surprising dahil wala siyang respeto sa kababaihan, kahit tanungin n’yo pa si Rihanna na binugbog niya noon.

Isa si Derek Ramsay sa mga nadismaya sa video ni Chris Brown. Hindi napigilan ni Derek na mag-emote nang mapanood niya ang video ni Chris na namumutiktik sa “F” word.

Ang sey ni Derek, “I don’t think this issue is about race. It’s about celebrities who’s fame has gotten to their heads and they feel they can do anything they want.

“I’m a fan of Chris Brown’s work but his attitude definitely needs some work. Pinoy are just too nice to a fault.”

Chris Brown papasang anak ni Blakdyak!

Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Derek dahil wala na sa lugar ang pagtatanggol kay Chris ng Pinoy fans nito.

Kiyeme-kiyeme na worried ang mga Pinoy na tagahanga ni Chris. Baka hindi na raw siya bumalik sa Pilipinas dahil sa pagpigil sa kanya na makaalis mula sa ating bansa noong Miyerkules.

So what naman kung hindi na siya bumalik? Wala naman maitutulong si Chris para umunlad ang bayan natin ‘no!

Hindi natin kailangan ang isang dayuhan o bisita na takaw-gulo at walang respeto sa batas ng ating bansa. Walang space ang Pilipinas para sa mga katulad ni Chris na abusado at puro kabastusan ang lumalabas mula sa kanyang malaking bunganga.

Wala talaga akong makita na dahilan para kabaliwan si Chris. Kung mahusay siya na kumanta, mas marami ang mas magaling sa kanya.

Kung nami-miss si Chris ng kanyang Pinoy fans, titigan na lang nila ang mukha ni Blakdyak dahil magkamukha ang dalawa. Puwedeng pumasa si Chris bilang anak ni Blakdyak.

Sen. Grace pinangunahan na sa pagtakbo sa pagka-pangulo

Sabay-sabay na lumabas ang balita noong Miyerkules na sure na ang pagtakbo ni Senator Grace Poe bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Kumpirmado man o hindi ang balita, mas makabubuti na hintayin natin na manggaling sa mismong bibig ni Mama Grace ang pag-amin.

Malapit na ang August 20, ang birth anniversary ni Fernando Poe, Jr. na sinasabi na araw ng deklarasyon nina Mama Grace at Senator Chiz Escudero ng kanilang mga kandidatura.

Kesa mag-speculate, hintayin natin kung may official announcement nga na magaganap sa kaarawan ni Kuya Ron, courtesy of Mama Grace and Papa Chiz.

Grace Poe natulungang iendorso ang produktong lokal

Matutuwa si Mr. Dioceldo Sy, ang big boss ng Everbilena Cosmetics kapag nalaman niya na Everbilena lipstick ang paboritong gamitin ni Mama Grace.

Matagal ko nang kaibigan si Mr. Sy na isinama pa ako noon sa Jakarta, Indonesia nang bisitahin niya ang malaking factory ng isang brand ng laundry soap.

Knowing Mr. Sy, matutuwa ito dahil isang number one lady senator ang tumatangkilik sa produkto ng kanyang kompanya. Hindi mahilig si Mama Grace sa mga expensive makeup at lipstick at malaking tulong para sa Everbilena products ang endorsement niya na walang anumang kapalit.

 

Show comments