MANILA, Philippines - Aminado si Maja Salvador na nadurog siya nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson. Kaya ngayon, siya mismo ang nagbubuo ng kanyang sarili.
“Ako mismo nagbubuo sa sarili ko, talagang nadurog ako nun,” sabi niya kahapon sa farewell presscon ng Bridges of Love pero hindi niya binabanggit ang pangalan ng ex.
Sa ngayon daw ay wala siyang oras sa pakikipagrelasyon.
“Ang dami kong gustong gawin pa. Parang ngayong taong ito, ang dami kong gustong gawin para sa akin, sa sarili ko.
“Wala muna ako time for love,” pahayag pa ng aktres.
Maging ang isyung nili-link siya kay Paulo Avelino na isa sa ka-partner niya sa Bridges of Love ay kaibigan lang daw talaga niya.
“Kinaibigan ako ni Paulo dahil sa food. Lagi siya humihingi sa akin ng food sa set,” pagbubuko niya.
Si Paulo naman ay umaming may nabuo sa kanila ng aktres. “May nabuo sa amin ni Maja... friendship. Sa paglabas-labas naman eh pareho kasi kami ng group of friends,” sabi ng actor.
Anyway, magiging abala muna si Maja sa pelikula after ng Bridges of Love na three weeks na lang sa ere. “May gagawin po akong movie under Star Cinema and Viva. May iba rin akong pinaghahandaan pa,” dagdag ng aktres.
Chris brown hindi pa nakakalayas ng ‘Pinas, $1-m na tinanggap ‘di isinauli
Habang sinusulat ito ay hindi pa rin nakakaalis ng bansa ang Grammy winner singer/rapper na si Chris Brown matapos siyang harangin sa NAIA dahil sa kinakaharap na kasong $1 million estafa sa Department of Justice na inihain ng Maligaya Development Corportion (MDC) ng Iglesia ni Cristo dahil sa hindi niya pagsipot sa concert noong December 31 sa Philippine Arena. Eh nakabayad na raw ang INC - $1 million pala ‘yun at ‘di naman isinauli.
Hinihintay pa rin ang Emigration Clearance Certificate (ECC) ni Brown bago siya tuluyang makalayas ng bansa.
“Can somebody please tell me what the f**k is going on? I don’t know. I’m reading headline after headline. What the f**k? What the f**k is going on,” sabi ni Brown sa kanyang Instagram video post na hindi natagalan ay tinanggal din naman ng rapper.
Malaysian singer na si Min, mahusay nang magtagalog
Uy puwede nang paulit-ulit na pakinggan ang sinasabing kasalukuyang favorite theme song ng bayan, ang Sa Iyo na kinanta ng Malaysian singer na si Min Yasmin at ni Nikki Bacolod!
Nai-release na kasi ang album na 2 Voices, ang first full collaboration album nina Min at Nikki at nagkaroon ito ng press launching kahapon.
In all fairness, bumangka ang Sa Iyo sa iba’t ibang major stations kaya hindi ito nawawala sa kanilang Top 10 countdown kung saan kalimitang dominated ng foreign songs and artists.
Suportado ang album ng Malaysian songwriter and record producer. Naniniwala siya sa kakayahan ng mga Pinoy music artist at naniniwala siya na dapat Pinoy ang namamayagpag sa ating music industry.
Pero bakit nga ba malapit na malapit ang puso ni Julfekar sa musikang Pinoy? Meron kasi siyang Filipino blood. Isang Tausug ang nanay niya pero kahit na lumaki, nag-aral at naging successful businessman sa Malaysia, hindi nabura sa puso niya ang pagpapahalaga sa musikang Pinoy.
Dagdag pa niya, may kakaiba raw charm ang kantang Pinoy.
Hindi biro ang mag-produce ng album dito sa Pilipinas. Madugo. Magastos. Pero handa raw si Julfekar na harapin ang challenges na ito para lang marinig at magkapuwang sa ating mga kababayan ang kanyang musika. Ang 2 Voices album ay may 10 tracks na binubuo ng Tagalog, Malay, at English songs. Kasama rin sa album ang Ang Tanging Dasal, Back To Me, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman, Lafazkanlah, Fairy Tails, Di Na Ako Luluha Pa, Yakap, Satu Hati Dua Jiwa, Sana’y May Bukas Pa and Pusong Duguan.
Nasa bansa ang Malaysin singer na si Min na magaling na ring mag-Tagalog sa tulong ni Nikki.
Magkakaroon din sila ng mall tour para i-promote ang album under PolyEast.