MANILA, Philippines – Naglatag ang GMA Network ng isang espesyal na programming schedule para sa mga Kapuso viewers ngayong Huwebes Santo (Abril 2) at Biyernes Santo.
Ngayong Huwebes Santo, mapapanood ang Time Quest sa ganap na ika-8 ng umaga, Martin Mystery ng 8:30, Fairy Tail ng 9:00, Knockout pagsapit ng 9:30 at Pokemon: Pikachu’s Winter Vacation naman ng 10:00 ng umaga.
Matutunghayan ng mga Kapuso viewers ang dokumentaryong Mabuhay Lolo Kiko! Pagsulyap sa Pagbisita ng Santo Papa kung saan makikita kung paano tinanggap ng mga Pilipino ang Pontifex Maximus, sa ganap na ika-11 ng umaga. Pagdating ng tanghalian, mapapanood na ang Barbie: A Mermaid Tale, kasunod ang Casper ng 1:30 pm.
Pagsapit ng 3:00 ng hapon, tampok ang INAko ni Lilia at Nagkalayo… Nagkatagpo ang dalawang madamdaming episode ng Wish Ko Lang na handog ng GMA Public Affairs. Susundan ito ng pelikulang kinilala sa buong mundo, ang Bamboo Flowers na idinirehe ni Maryo J. Delos Reyes, sa ika-4:00 ng hapon.
Mula sa CBN Asia, mapapanood sa ganap na ika-5:00 ng hapon sina Glaiza de Castro at Krystal Reyes sa Tanikala: Sa Isang Iglap. Susundan ito ng 1956 religious epic na The Ten Commandments, pagdating ng alas-7:00 ng gabi.