MANILA, Philippines – Nakita ang magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz sa iStudio sa V Mall, Greenhills, San Juan kahapon.
Namili ng gadgets ang magkapatid sa nabanggit na Apple retailer store.
Inusisa ko si Angelika kung pinapayagan na ba niyang magpaligaw ang kapatid?
“Puwedeng ligawan, pero hindi pa siya puwedeng magka-boyfriend!” ang madiing sagot ni Angelika habang nakatingin sa kanya si Mika.
So, may nanliligaw na ba sa kanya o nagka-boyfriend na siya? Usisa ko kay Mika.
“Naku, wala pa po,” sey ni Mika sabay tingin sa kanyang ate.
Hmph! Mukhang mahigpit si Angelika pagdating sa love life ng kapatid, huh!
Anyway, parehong may series ngayon ang magkapatid. Si Angelika ay sa GMA 7 at si Mika ay sa ABS-CBN, pero pareho pa nilang hindi alam kung kailan ipapalabas ang mga ‘yon.
Rufa Mae, Grace, Camille, at Mariel madalas mag-reunion
Sobrang naging friends sina Rufa Mae Quinto, Grace Lee, Camille Villar at Mariel Rodriguez dahil naging co-hosts sila noon ni Willie Revillame sa isang show ng TV5.
Nawala man ang show na ‘yon, intact naman ang friendship nilang apat.
Madalas silang nagre-“reunion” basta nag-swak ang kanilang schedules.
Ngayong Holy week, tanging sina Rufa Mae at Grace lang ang magkasama sa Balesin Island.
Bakit hindi nila isinama sina Camille at Mariel?
“Sabit lang talaga ako kay Grace. Dapat mommy niya ang kasama niya, pero hindi pumuwede, kaya ako ang isinama ni Grace,” sey ng sexy comedienne.
Inusisa ko rin si Rufa Mae kung anong suporta ang ibinigay nila sa kaibigang si Mariel nang magkaroon ito ng miscarriage sa first baby sana nito at ng mister na si Robin Padilla?
“Siyempre, moral support. I prayed for her na maging okay lahat. Ganoon naman kami. Pero nagkausap pa lang kami sa phone, hindi pa kami nagkikita. Baka after Holy week na,” sabi pa ni Rufa Mae.
Samantala, wala raw siyang naririnig kung may balak si Willie na kunin siyang co-host sa WoWoWin game show nito na malapit nang magsimula sa GMA 7.
“Wala. Wala namang pasabi, eh. I have no idea,” sey pa ng sexy comedienne.
You’re my boss... nag-double time
Nag-double time ang post production staff ng pelikulang You’re My Boss na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Coco Martin para umabot ang kanilang pelikula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) noong Tuesday.
Noong Tuesday din sila napa-review sa CEB (Cinema Evaluation Board) at graded B ang You’re My Boss.
Wala raw magiging problema sa pagpapalabas ng pelikula nina Toni at Coco sa buong Pilipinas sa Sabado de Gloria (April 4) dahil pati ang materyales nila ay na-distribute na raw sa iba’t ibang cities at provinces.
“Walang magiging hassle!” sey ng isang production staff ng pelikula nina Toni at Coco.
Mabilis talaga ang post production ng Star Cinema, Inc. considering na noong Saturday ay nagda-dubbing pa si Coco huh!