Muling humihingi ng panalangin ang pamilya, mga kaanak at kaibigan ng dating hit maker ng OctoArts International na si Joey Albert na siyang nagpasikat ng napakaraming klasikong OPM hits tulad ng Tell Me, Over and Over, Points of View, Ikaw Lang ang Mamahalin, It’s Over Now at marami pang iba dahil mukhang bumalik ang kanyang colon cancer na na-detect in 2003 pero ito’y kanyang na-survive.
In 1995, nagkaroon din siya ng cervical cancer na kanya ring nalagpasan. But in her January medical tests, nakumpirmang muling nag-recur ang kanyang colon cancer kaya kinailangan niyang sumailalim ng surgery last March 27.
A cancer-survivor twice, umaasa ang pamilya at mga kaanak ni Joey na muli nitong malalagpasan ang kinakaharap nitong pagsubok.
Cancer din ang ikinamatay ng ama at kapatid ni Joey na naka-base na ngayon sa Vancouver, Canada since 2004 kasama ang kanyang mister na si Vicente Pacis at dalawang anak.
Claudine binusalan na ang sarili
Maganda ang ginawang move ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na hindi na sila magku-komento ng mga bagay na makasisira pareho sa kanila at mga anak na sina Sabina at Santino.
As much as possible, gusto ng estranged couple na kahit nag-fail sila bilang mag-asawa ay magampanan man lamang nila nang tama ang pagiging magulang sa kanilang dalawang anak.
Claudine is preparing for a grand comeback sa pamamagitan ng isang bagong pelikula.
May dalawang taon na ring walang bagong project na pinagkakaabalahan si Claudine lalo na nang maharap ito sa sunud-sunod na kontrobersiya na may kinalaman sa kanyang pamilya.
Tirso siguradong cancer-free na
Nasa stage 2 ang lung cancer ng aktor na si Tirso Cruz III nang ito’y ma-diagnose, kaya agad siyang sumailalim ng operasyon last September. Binigyan si Pip (palayaw ni Tirso) ng assurance ng kanyang mga doctor na isa siyang cancer-free after the operation kaya masaya siya at ang kanyang pamilya.
Noong isang taon pa namin nabalitaan na may sakit umano si Pip pero naging tahimik siya maging ang kanyang pamilya tungkol sa karamdaman nito. Ganunpaman, lubos ang pasasalamat ni Pip sa Diyos na siya’y gumaling.
Kamakailan lamang ay sumakabilang-buhay ang misis ni Albert Martinez na si Liezl Sumilang-Martinez dahil sa sakit na breast at lung cancer na umabot na sa stage 4.