Kahit pukpukan ang training Pacman sumama sa kampanya para ibalik ang Bells of Balangiga

MANILA, Philippines – Nakiisa na pala si Manny Pacquiao sa maraming Filipino and American celebrities para sa kampanya ng pagbabalik ng makasaysayang Bells of Balangiga, ang tatlong church bells na umano’y kinuha ng mga US army mula sa town church ng Balangiga, Eastern Samar noong 1901.

Ang ambitious campaign ay ilulunsad sa lalong madaling panahon sa Beverly Hills, California.

Tutulong din ang The Filipino Channel (TFC) para i-promote ang awareness ng kampanya na naglalayong makalikom ng US$100,000 sa loob ng 45 days. Ito ay pinangungunahan ng Committee for the return of the Bells kung saan ang former Hollywood actor and current Los Angeles-based international private investigator Logan Clarke ang presidente.

Si Pacman ang nagsisilbi ngayong Honorary Committee Chairman. Kabilang pa sa mga kasama sa kampanya sina U.S. Congressman Dana Rohrabacher; former Ilocos Sur Go­vernor Luis Chavit Singson kasama ang ilan pang mga bigating pangalan para sa nasabing kampanya.

Ang Balangiga ay kasama rin sa matinding nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. At dito rin naganap ang isa sa pinakamadugong chapters ng American colonialism of the Philippines.

Ayon sa mga kuwento-kuwento, isang island-wide massacre ang naganap noong September 28, 1901 matapos iutos ng isang General Jacob Smith na ‘kill every male over 10 years old’ kaya marami umanong  namatay na Filipino men, women and children. Naging sagot daw ito noon sa pagkakapatay ng 48 U.S. soldiers ng mga rebeldeng Pinoy. Nainsulto raw ang U.S. sa nangyari kaya sa galit ay kinuha nila ang precious town bells.

Kasalukuyan daw na sa Warren Air Force Base sa Wyoming  ang nasabing bells.

May sariling website ang ‘bring the bells back’ para sa karagdagang information sa kampanya na suportado ng pambansang kamao na nasa kainitan ng ensayo para sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2.

Marami nang gustong gumawa ng pelikula tungkol sa Bells of Balangiga na parang wala namang natutuloy.

Unang tambalan nina Coco at Toni pinagbabantaan ng bagyo

Ipagdasal natin na hindi pumasok ng bansa ang bagyong Chedeng.

Oras na pumasok ang sinasabing super typhoon marami na naman ang maaapektuhan. Marami sa kasalukuyan ang nasa bakasyon na parang nakalimutan na Mahal na Araw nga pala at panahon ng pagtitika. Kung saan-saan silang beach sa ibang bansa nagpapakasarap at parang limot na magdasal man lang.

So far, lahat ng mga artistang nagpo-post sa kani-kanilang social media account, lahat pasarap ang ginagawa. Walang ni isa man lang sa kanila ang bumisita yata sa simbahan. Walang nagpo-post na nasa simbahan sila o kahit man lang yata bumisita. Talagang bakasyon-grande ang kanilang ginagawa.

Bukod sa magandang lugar kung nasaan sila, puro masasarap na pagkain pa ang madalas nilang i-post.

Samantalang sa Batangas lang ang daming magandang simbahan. Doon sa pinuntahan namin sa Lipa na Basilica of St. Martin of Tours pagkaganda-ganda. Nasa nasabing simbahan ang Our Lady of Caysasay.

Little background ng Caysasay – noong 1603 daw, isang mangingisda na nagngangalang Juan Maningkad ang nakahuli sa Pansipit River, sa Taal, Batangas, ng twelve inch tall image ng Our Lady of Caysasay. Iniuwi niya ang nasabing imahe at hindi nagtagal, nalaman ng kanyang mga kababayan ang kanyang kakaibang ‘huli.’

Hanggang inalagaan ito ni Doña Maria Espiritu, ang widow ng judge ng kanilang bayan. Inilagay daw ito sa urn. Pero isang araw, nawala ang nasabing imahe. Pero kinabukasan ay muli itong bumalik sa urn. Maraming beses daw itong nangyari hanggang ipinarating na sa kanilang parish priest. Kaya naman ang nasabing pari ay pinabantayan ang urn. Nag-vigil sila sa tabi ng urn at doon nila nakita sa kanilang mga mata ang glorious image na labas-masok.

At ‘yun ang simula ng kuwento tungkol sa  mapaghimalang imahe ng Our Lady of Caysasay.

Marami pang ginawang paghihimala ang imahe base sa mga kuwento at website na caysasay.com.

Ginawa na ito noong stage play at naging bida si Ogie Alcasid.

Anyway going back to Chedeng, oras na bu­magyo, tiyak maapektuhan ang showing ng pelikulang You’re My Boss, ang kauna-unahang pelikula nina Coco Martin at Toni Gonzaga na magbubukas sa mga sinehan sa Sabado de Gloria.

Sinulat at dinerehe ni Antoinette Jadaone ang You’re My Boss. Kilala si Jadaone bilang breakout romantic-comedy director ng 2014 at siyempre pa, kilala rin siya sa kanyang mga ‘di malilimutang mga “hugot lines.” Si Jadaone din ang sumulat at nagdirehe ng That Thing Called Tadhana, na opisyal na ngayong itinuturing bilang highest grossing independent Filipino film of all time.

‘Wag lang bagyuhin at tiyak na kikita ang pelikula dahil ayon sa mga nakapanood na, nakakaaliw ang You’re My Boss. Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Heart panay lang ang luto, wala sa Japan?!

Parang wala naman sa Japan ang mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nakikita sa Instagram account ng actress/TV host na panay lang ang luto niya sa bahay.

Hindi naman kaya nag-kuripot si Sen. Chiz?

Ayon sa isang malapit sa senador, may pagka-kuripot daw ito. Eh kagagaling lang nga naman nila sa gastos ng kanilang kasal kaya siguro raw ay hindi na lang sila nagbakasyon.      

Show comments