Jolina laging bitbit ang anak sa trabaho para padedehin

Laging dala ni Jolina Magdangal ang anak na si Pele dahil dumedede pa ito sa kanya. Sa taping lang yata ng Flordeliza niya hindi isinasama ang anak dahil pang-matagalan ang taping.

Pero sa taping ng Your Face Sounds Fami­liar, kasama niya ang anak at dala nito ang crib ng bata na rason din kung bakit may sarili siyang dressing room. Kapag kasama ni Melai Cantiveros ang anak, may kalaro si Pele habang nagtatrabaho siya.

Sabi ni Jolina, hangga’t gusto ni Pele na dumede sa kanya, hindi siya titigil at ipina­ngako niya ito sa kanyang sarili na hindi niya aawatin.

One year old na si Pele at balak nina Jolina at husband niyang si Marc Escueta na sundan ang anak in two years pa. Sa ganitong paraan, maaalagaan nila nang husto ang anak at nakita nga namin na kahit may kasamang yaya, si Marc mismo ang nag-aalaga rito.

Sobrang nag-i-enjoy si Jolina sa nangyayari sa kanyang career ngayon sa ABS-CBN. May mga nabuksang bagong avenue na ngayon lang niya na-try sa kanyang career. Lalo siyang nag-enjoy sa Your Face Sounds Familiar dahil nakatikim na ito ng panalo nang i-impersonate niya si Cher. Sa Easter Sunday, ang Aegis ang gagayahin nila ni Nyoy Volante. Gusto rin niyang i-impersonate sina Madonna at Cindy Lauper pero aminadong hindi niya kakayanin si Mariah Carey.

Miriam nakaisang taon na sa asawa

Nag-celebrate ng kanilang first anniversary as a couple noong March 25 sina Ardy Roberto at Miriam Quiambao. Kasama sa selebrasyon ng dalawa ang anak ni Ardy sa u­nang asawa na si Josh.

Naalala namin sa book launching at signing ng libro ni Mi­riam na He Can Catch You When You Fall, present sina Ardy at Josh na tumulong pa na mag-entertain ng guests ni Miriam. Nakita rin namin na busy ang husband ni Miriam sa pagkuha ng picture ng asawa at guests nito.

May post si Miriam sa Instagram (IG) ng picture nila nina Ardy at Josh at ang caption ay “Joshua’s Happy Anniversary Surprise Gift. He’s such a sweet boy! It’s also my first anniversary with Josh as his mom.”

Maganda ang love story ng dalawa na ibinahagi ni Miriam sa book launching at signing niya. Kay Ardy, na isang book author siya nag-writing workshop at doon sila nagkakilala, nagligawan at saka nagpakasal.

BF ni Ruffa sanay nang iniisnab-isnab ni Annabelle

Nauna na sa Bali, Indonesia sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at anak nilang si Zion. Susunod sina Ruffa Gutierrez, mga anak na sina Lorin at Ve­nice Bektas kasama ang buong Gutierrez family dahil magsu-shoot sila para sa Season 3 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Kasama rin ni Ruffa ang BF niyang si Jordan Mouyal. Alam ni Annabelle Rama na isasama ni Ruffa ang BF.

Saka sabi ni Ruffa, kahit hindi binabati ng mommy niya si Jordan, bati pa rin ito ng bati sa ina at sanay na ring dinededma siya ng future mother-in-law.

In fairness, hindi lang pictures ni Ruffa ang nasa IG ni Jordan, may pictures rin nina Lorin at Venice at proud siya sa dalawang bata na at their early age, marunong na sa buhay at may sarili nang business.

One third ng baga ni Tirso tinapyas!

Ngayong Miyerkules ang talagang birthday ni Tirso Cruz III at dahil Holy Week, isi-celebrate nito ang kaarawan na pamilya na lang ang kasama. Baka sa Los Baños, Laguna na nila i-celebrate ang kaarawan ng aktor dahil doon pupunta ang buong pa­mil­ya para sa Lenten break.

Nakalimutan naming isulat na 1/3 sa right lower lung ni Pip ang inalis, kaya ma­haba ang operasyon, one foot daw ang haba, pero maganda ang pagka­kagawa.

Milagro kay Pip na after five days ini-release na siya sa ospital. Tumawad lang siya ng anot­her day para magpalakas. After 20 days, balik-trabaho na uli siya at ngayon nga, naghihintay na lang ng tawag para sa taping ng Someone To Watch Over Me ng ABS-CBN.

Show comments