Dating taga-That’s na si Mikee Villanueva ipinagpalit ang mister sa kaopisina?!
May nakarating sa aming balita na hiwalay na umano ang Las Vegas, Nevada-based singer-actress na si Mikee Villanueva sa kanyang Filipino (American citizen) husband na si Chris Cadiz kung kanino siya may tatlong anak.
Nakilala namin ng personal si Chris and his parents nang minsang magawi kami sa Las Vegas kasama ang Anaheim-based businessman at concert producer na si Tito Al Chu at ang veteran writer na si Ronald Constantino.
Napakabait ng parents-in-law ni Mikee at maging ang kanyang mister. Nakita namin kung gaano nila kamahal si Mikee at mga anak nito kaya nalungkot kami sa balitang hiniwalayan umano ni Mikee ang kanyang mister na kanyang ipinagpalit sa isang kasamahan sa opisina. Si Mikee ay isang certified paralegal at licensed property manager sa Las Vegas.
Mikee started out her showbiz career sa pagiging member ng That’s Entertainment at naging build-up contract star din siya ng OctoArts Films bago siya nagtungo ng Amerika in 2000 to marry Chris.
Toni inaabangan na ang pagkukuwento ng detalye sa kasal nila ni Direk Paul
Ngayong ipalalabas na sa April 4, Sabado de Gloria ang unang tambalan nina Toni Gonzaga at Coco Martin, ang rom-com na You’re My Boss na idinirek ng bagong box-office director na si Antoinette Jadaone under Star Cinema, siguro naman ay magsi-share na si Toni sa details ng kanyang nalalapit na kasal kay Director Paul Soriano this June.
Very private ang nalalapit na pag-iisang-dibdib nina Toni at Direk Paul at wala ni katiting na detalye silang ibinabahagi sa publiko except na sila’y magpapakasal sa taong ito. Walang date at lugar ng kanilang pagpapakasalan at kung sinu-suno ang magiging bahagi ng wedding entourage.
- Latest