Donita first time magmamaldita
Happy sina Gladys Reyes at Donita Rose dahil magkakasama sila sa unang pagkakataon sa isang teleserye ng GMA-7, ang television remake ng Let The Love Begin.
Co-stars nina Gladys at Donita sa coming soon teleserye ng Kapuso Network ang loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Excited si Donita dahil for the first time, mataray ang karakter na gagampanan niya. Malayung-malayo sa Donita na sweet at wholesome ang image.
Unang napabalita na kasali si Regine Velasquez sa cast ng Let The Love Begin.
Obvious na wala na si Regine sa cast dahil sa pagpasok nina Gladys at Donita.
May tsismis na umalma ang fans ni Regine nang malaman nila na ang loveteam nina Ruru at Gabbi ang mga bida sa Let The Love Begin.
Umalis nga pala si Regine noong Holy Monday para magbakasyon sa Australia. Kasama ni Regine ang kanyang loving husband na si Ogie Alcasid at ang kanilang anak na si Nate.
Kasali rin sa Let The Love Begin si Gina Pareño na dating madalas na mapanood sa mga teleserye ng ABS-CBN.
Hindi pa kami nagkikita ni Mama Gina sa parlor ni Bambbi Fuentes kaya hindi ko pa alam ang kuwento ng paglipat niya sa GMA-7.
Megan magiging co-host ni Dingdong sa StarStruck
Balik-Kapuso si Miss World 2013 Megan Young dahil pumirma siya kahapon ng kontrata sa GMA-7 para maging co-host ni Dingdong Dantes sa StarStruck.
Perfect co-host si Megan ng nagbabalik-talent search show ng GMA-7 dahil produkto siya ng StarStruck.
Nag-join si Megan sa second season ng StarStruck noong 2004. Sina Mike Tan at Ryza Cenon ang mga nanalo at kasali sa Top 6 contestants si Megan.
Lumipat si Megan sa ABS-CBN noong 2007 at pagkatapos ng walong taon, bumalik na siya sa GMA-7. Isang taon ang bisa ng exclusive contract na pinirmahan ni Megan sa GMA Network Inc. Mapapanood ngayong April ang 6th edition ng StarStruck.
Hit teleserye ng isang network ibabalik sa ere
Plano ng isang television network na ibalik sa ere ang kanilang hit na teleserye na siguradong ikatutuwa ng fans.
Ang original cast pa rin ang magiging bida ng teleserye na namayagpag noon sa ratings at nagpadapa sa mga kalaban na programa. Siyempre, babaguhin ang kuwento ng teleserye na ibabagay sa edad ng mga bida.
Mabisa sa atay
May pakisuyo uli si Leah Salterio tungkol sa mga produkto ng ATC Healthcare na ini-endorso nina Amy Perez, Jackie Rice, Erwin Tulfo, Iya Villania at Nikki Gil.
Ang ATC Healthcare International ang manufacturer ng Liver Marin, ang capsule para sa mga tao na may liver illness.
Maraming bawal sa mga tao na may sakit sa atay tulad ng alak, sigarilyo, pagkain na sagana sa taba at artificial sweeteners. Masama rin sa katawan ang sobrang pag-inom ng paracetamol.
May silymarin extract na katas ng milk thistle plant ang Liver Marin. Nadiskubre na effective supplement ang silymarin extract dahil sa kakayahan nito na protektahan sa liver damage ang atay at tumutulong ito sa production ng bagong liver cells.
Isiniksik ng ATC Healthcare International ang mga pinakamabisang silymarin sa Liver Marin na may sangkap na 250mg ng silymarin extract, at 100mg ng sodium ascorbate kaya rekomendado ang araw-araw na pag-inom ng highly-recommended capsule.
- Latest