Lahat ng nakarinig sa sinabi ni Coco Martin sa The Buzz ay maniniwala na talagang may intensyon ito kay Julia Montes. Ayon kay Kris Aquino ay hindi na lamang Hari ng Primetime kundi hari na rin ng Star Cinema si Coco dahil sa napakaraming proyekto na nakatakdang gawin niya sa taong ito. Nang papiliin siya nina Boy Abunda at Kris kung sino sa mga nakapareha niya sa teleserye ang pangarap niyang maging girlfriend sa tunay na buhay ay pinili niya ang best friend ni Kathryn Bernardo.
Ilang ulit nang nali-link ang dalawa lalo na ngayong pinagtambal silang muli sa isang mahabang episode ng Wansapanataym, pero sa tuwina ay walang direktang tugon si Coco sa tunay na relasyon nila ni Julia. Girlfriend ba niya ito o hindi? Nanliligaw ba siya rito o hindi?
Sa lahat ng pangungulit, ang tanging tugon ng aktor ay malapit sa puso niya ang dalaga.
Lampungan nina Carmina at Paulo inabangan
I’m sure malaki ang idinagdag sa ratings ng Bridges of Love dahil sa kissing scene nina Carmina Villarroel at Paulo Avelino. Paanong hindi aabangan ito, pinag-usapan kasi ang nasabing eksena at sinabi pang ikinagalit ito ni Zoren Legaspi.
Pero syempre, may I deny si Carmina at sinabing artista rin ang asawa at naiintindihan ang trabaho niya. But just the same, hindi niya ipinapanood sa kanila ang nasabing eskena at nagpaliwanag na lamang na talaga namang pinagbabawalan niya ang mga anak na manood ng kissing scenes kahit na hindi sila ni Zoren ang kasali sa eksena.
Sulit ang biyahe papuntang Odiongan
Kararating ko lamang mula sa limang araw na bakasyon sa Odiongan, Romblon kung saan binitbit ako ng aking anak na doktora na dun nagpa-practice ng kanyang propesyon bilang ENT surgeon.
Ang inaakala ko na magiging isang boring na experience ay naging isang masayang bakasyon. Sa kuwarto ng anak ko sa Rovillos Hospital kami tumuloy. Nalibot namin ang Odiongan via a car drive sa loob ng limang oras lamang. Pero pitong oras inabot ang biyahe namin sa barko from Batangas to Odiongan.
What I thought was a fishing island turned out to be a copra country. Napaliligiran ito ng bundok at karagatan. Pero walang isda sa palengke, maliban sa bangus, hasa-hasa at dilis lamang! Wala na akong nakitang iba pa.
Wala rin marahil maraming hipon dahil kung marami bakit P750 ang halaga ng isang kilong hipon na nabili ko?
Tipid din ang gastos ng anak ko sa food namin. Madalas imbitado kami ng mga friends niya. Her friends Pen Tan & Liza Donato hosted us one dinner sa kanilang malapit nang mainagurahan na Greenfields Garden na magtatampok ng acoustic performer every Saturday.
Nag-iimbita rin sila ng mga diner na mahilig kumanta to enliven the evening at tikman ang kanilang masasarap na recipe.
Kung may Pan de Manila tayo, meron din dun Pan de Odiongan na unti-unti nang nakikilala sa kanilang napakasarap na bonete. Balang araw, baka makilala ang probinsya sa bonete ng mahusay na pastry chef na si Pops Beher.
Babalik uli ako ng Odiongan. My family will surely enjoy the beach. They will also enjoy the 2-hour bus ride from Manila to Batangas and the seven hour boat ride to Odiongan.