^

PSN Showbiz

Coco target talagang seryosohin si Julia

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Lahat ng nakarinig sa sinabi ni Coco Martin sa The Buzz ay maniniwala na talagang may intens­yon ito kay Julia Montes. Ayon kay Kris Aquino ay hindi na lamang Hari ng Primetime kundi hari na rin ng Star Cinema si Coco dahil sa napakaraming proyekto na nakatakdang gawin niya sa taong ito. Nang papiliin siya nina Boy Abunda at Kris kung sino sa mga nakapareha niya sa teleserye ang pa­nga­rap niyang maging girlfriend sa tunay na buhay ay pinili niya ang best friend ni Kathryn Bernardo.

Ilang ulit nang nali-link ang dalawa lalo na nga­yong pinagtambal silang muli sa isang maha­bang epi­sode ng Wansapanataym, pero sa tuwina ay walang direktang tugon si Coco sa tunay na relasyon nila ni Julia. Girlfriend ba niya ito o hindi? Nanliligaw ba siya rito o hindi?

Sa lahat ng pangungulit, ang tanging tugon ng aktor ay malapit sa puso niya ang dalaga.

Lampungan nina Carmina at Paulo inabangan

I’m sure malaki ang idinagdag sa ra­tings ng Bridges of Love dahil sa kissing scene nina Carmina Villarroel at Paulo Avelino. Paanong hindi aabangan ito, pinag-usapan kasi ang nasabing eksena at sinabi pang ikinagalit ito ni Zoren Legaspi.

Pero syempre, may I deny si Carmina at sina­bing artista rin ang asawa at naiintindihan ang tra­baho niya. But just the same, hindi niya ipinapa­nood sa kanila ang nasabing eskena at nagpaliwanag na lamang na talaga namang pinagbabawalan niya ang mga anak na manood ng kissing scenes kahit na hindi sila ni Zoren ang kasali sa eksena.

Sulit ang biyahe papuntang Odiongan

Kararating ko lamang mula sa limang araw na bakasyon sa Odiongan, Romblon kung saan binit­bit ako ng aking anak na doktora na dun nagpa-practice ng kanyang propesyon bilang ENT surgeon.

Ang inaakala ko na magi­ging isang boring na experience ay naging isang masayang bakasyon. Sa kuwarto ng anak ko sa Rovillos Hospital kami tumuloy. Nalibot namin ang Odiongan via a car drive sa loob ng limang oras lamang. Pero pitong oras inabot ang biyahe namin sa barko from Batangas to Odio­ngan.

What I thought was a fishing island turned out to be a copra country. Napaliligiran ito ng bundok at kara­gatan. Pero walang isda sa palengke, maliban sa bangus, hasa-hasa at dilis lamang! Wala na akong nakitang iba pa.

Wala rin marahil maraming hipon dahil kung marami bakit P750 ang halaga ng isang kilong hipon na nabili ko?

Tipid din ang gastos ng anak ko sa food namin. Madalas imbitado kami ng mga friends niya. Her friends Pen Tan & Liza Donato hosted us one dinner sa kanilang malapit nang mainagurahan na Greenfields Garden na magtatampok ng acoustic performer every Saturday.

Nag-iimbita rin sila ng mga diner na mahilig kumanta to enliven the evening at tikman ang kanilang masa­sarap na recipe.

Kung may Pan de Manila tayo, meron din dun Pan de Odiongan na unti-unti nang nakikilala sa kanilang napakasarap na bonete. Balang araw, baka makilala ang pro­binsya sa bonete ng mahusay na pastry chef na si Pops Beher.

Babalik uli ako ng Odiongan. My family will surely enjoy the beach. They will also enjoy the 2-hour bus ride from Manila to Batangas and the seven hour boat ride to Odiongan.

ACIRC

ANG

BATANGAS

BOY ABUNDA

BRIDGES OF LOVE

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

NIYA

ODIONGAN

PERO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with