Absent sa Manaoag!

Dapat ngayong araw na ito ay pa-Manaoag, Pan­ga­sinan kami with some families and friends, pero dahil walang permiso ang doktor ko kaya hindi ako maka­kabiyahe. Maiintindihan naman ‘yun ni Mama Mary ng Manaoag. In fact, pagagalingin pa nila ako ng kanyang Anak para maipagpatuloy ko pa ang aking pilgrimage sa Manaoag na mahigit dalawang dekada ko nang ginagawa.

Maxene napipiga ang talent sa Your Face...

Ewan ko sa inyo, pero ako nakukyutan sa progra­mang Your Face Sounds Familiar. Kagabi, kuhang-kuha ni Edgar Allan Guzman ang inaanak kong si Daniel Padilla. Ang galing nilang  gumawa ng transformation. But then, tama rin si Gary V., paganda nang paganda si Maxene Magalona at unti-unti nang lu­malabas ang talent niya.

Carmina aminadong natanso

Bilib din naman ako kay Carmina Villarroel dahil inamin nito na talagang hindi niya nahalatang may berdeng dugo si Rustom Padilla, na ngayon ay Bb Gandanghari na. Bagaman at marami ang hindi ma­kapaniwala, naniniwala ako sa kanya.

Show comments