Malaki na ang naitulong ni KZ Tandingan sa kanyang pamilya mula nang magsimula sa show business noong 2012. Bukod sa pagpapaayos ng bahay ay nakapagpundar na rin ang singer ng sariling sasakyan. “Sa family po kasi bago ako nag-X-Factor, meron na kaming nasimulang bahay. So medyo may malaki-laki na akong naiipon, medyo napapaayos nang paunti-unti ‘yung bahay. Meron po kaming sasakyan, it’s a 1966 model of a Land Cruiser na batang-bata pa lang kami, ‘yun na talaga ang sasakyan namin. At noong umuwi ako, sira na ‘yung pintuan sa gilid. So sabi ko kailangan ko na talagang mag-ipon para makabili ng sasakyan. So noong sumali akong Singing Bee tapos nakatsamba ako do’n, nanalo ako ng P1 million. I give 10% to the church at ‘yung naiwan dinown payment ko sa sasakyan,” pagbabahagi ni KZ.
Ang singer din daw ang tumutulong sa mga kapatid upang makapag-aral ang mga ito. “’Yung kapatid ko din napa-graduate ko. Isa na lang, ‘yung 9 years old na lang na kapatid ‘yung kailangan naming brasuhin,” nakangiting pahayag ni KZ.
Tippy nagbida sa International Indie Film
Masayang-masaya si Tippy Dos Santos dahil naranasan na niyang magbida sa isang international independent film. “I am coming out with a movie called Abomination which is directed by Yam Laranas. Actually the thing with Abomination is that it is also an all-English film. Because it has to be released in a different country. So ‘yung mga kasama din namin do’n all Caucasian-looking. So you never really know where the setting is. It’s an international indie film pero most likely lalabas din siya rito,” pahayag ni Tippy.
“It’s a psycho thriller so I play the psycho in the movie. It’s about Rachel, a young American girl na ang daming problema, ang dami niyang pinagdaraanan sa movie,” paglalarawan ng aktres.
Isang malaking karangalan daw para sa dalaga ang makatrabaho ang sikat na direktor na si Yam Laranas para sa proyektong ito. “Grabe! The experience to work under him kasi napaka-talented niya talaga. I’ve never worked with him before. I’ve heard of him kasi I think he’s the only director who’s shown a Filipino film sa Hollywood tapos first Blu-Ray Filipino film din. Diyos ko! Kapag kasama mo siya on the set, parang sobrang talino niya talaga. Lahat ng aspeto ng movie sobrang pulido, ang galing niya talaga,” giit pa ng aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS