^

PSN Showbiz

Toni at Coco may romantic summer treat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kakaibang kilig at saya ang hatid ng ASAP 20 ngayong Linggo (March 29) dahil itotodo ng phenomenal team-up nila Toni Gonzaga at Coco Martin ang pagpapakilig sa official launch ng pinakabagong pelikula nila mula sa Star Cine­ma na You’re My Boss.

Bukod sa nakakakilig na sorpresa nina Coco at Toni, tripleng birthday cele­brations nina Enrique Gil, Janella Salvador, and Matteo Guidicelli ang masasaksihan.

Tuluy-tuloy din ang selebrasyon ng pag-ibig ang masasaksihan fans’ day nina Liza Soberano at Enrique Gil. Humanda rin sa star-studded treat nila James Reid at Nadine Lustre; JC De Vera, Ejay Falcon, Dominique Roque, at Kit Thompson.

Hindi naman pahuhuli ang world-class Sessionistas sa kanilang Story of Forevermore production number; at saksihan naman si Jamie Rivera sa pagtanggap ng kanyang platinum award.

Samantala isang musical extravaganza ang muling matutunghayan mula kina Angeline Quinto, Erik Santos, Jason Dy, Morisette Amon, Darryl Ong, at Kyla.

Makihataw din sa Supahdance special treats nina Shaina Magdayao, Gerald Anderson, Rayver Cruz, Sam Concepcion, Aaron Villaflor, Yassi Pressman, Arci Munoz at Sam Milby; Bugoy Carino, Izzy Canillo, Clarence, Grae Fernandez, Joaquin Reyes, John Bermudo, at Brace Arquiza. Humanda rin  sa Summer Dance U na inihanda nina Teacher Georcelle, Mavy at Cassy kasama sina Jolina Magdangal at Ashley, Desiree Del Valle and Rhed at Alex Gonzaga at Alonzo Muhlach.

Regional events ng Kapuso noong Pebrero, lahat dinagsa

Hindi lang isa kundi sampung jam-packed events ang matagumpay na isinagawa ng GMA Regional TV sa key cities ng bansa noong nakaraang buwan.

Unang bumida ang newly-wed na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na nagpasiklab sa first two editions ng kanyang Kapuso Fans Day sa taong 2015 na ginanap sa General Santos City at Carcar City sa Cebu noong Pebrero 6 at 17.

Proud na pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang selfie shots niya kasama ang libu-libong supporters na pumunta sa shows. Dinumog ang parehong events ng GMA Primetime Queen—tinatayang 4,000 katao ang nakisaya sa GenSan at 7,000 naman sa Carcar.

Pagkatapos na pagkatapos naman ng Valentine’s Day, two simultaneous events agad ang ginanap sa Bulacan at Albay. Tampok ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose at Healing Hearts cast member na si Kristoffer Martin sa isang Kapuso Mall Show sa Robinsons Supermarket Meycaua­yan, habang nakisaya naman ang Sunday All Stars mainstays na sina Louise delos Reyes, Jeric Gonzales, at Ruru Madrid sa Cagsawa Festival ng Daraga via a Kapuso Fiesta noong Pebrero 15.

Nabigyan din ng post-Valentine treat ang mga Negrense sa pag-join ng lead cast ng More Than Words sa Babaylan Festival ng Negros Oriental noong Pebrero 18. Ang reel at real-life sweethearts na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, kasama ang co-stars na sina Enzo Pineda at Kylie Padilla, ang bonggang naghatid ng entertainment sa mga manonood. Isang Kapuso Mall Show naman ang muling pinagsamahan nina Enzo at Kylie sa San Fernando, La Union noong Pebrero 28.

Nag-umapaw rin ang tawanan at kasiyahan sa Dapil Festival ng Abra noong Pebrero 19 sa pagdalo nina Sef Cadayona ng Sabado-badoo at Mike “Pek­to” Nacua ng Once Upon a Kiss. Bentang-benta ang pagpapa-kwela ng dalawang komedyante na sinamahan pa ng Asia’s Songbird impersonator na si Ate Redg bilang host.

Kasabay naman ng pagdiriwang ng Bacolaodiat Festival sa Bacolod noong Pebrero 20, ‘di maitagong saya ang ipinakita ng libu-libong Kapuso fans sa pagdating ng cast ng Second Chances na sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Rafael Rosell, at Camille Prats para sa isang Meet and Greet.

Samantala, sa tinaguriang Summer Capital ng bansa, naki-pista sa Panagbenga Festival noong Pebrero 28 sina Geoff, Empress, Dion, at ang co-star nilang si Max Collins, kasama pa ang The Half Sisters cast members na sina Barbie Forteza, Andre Paras, at Thea Tolentino.

Nagsilbing culmination para sa pag-iikot na ito ng GMA Regional TV ang Musikahan sa Tagum Festival ng Davao del Norte noong Pebrero 28 kung saan isinagawa ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang first-ever Kapuso Fans Day ngayong 2015. Tuwang-tuwa ang humigit-kumulang 5,000 Dabawenyos sa pagbisita ng Pari Ko’y lead actor na talaga namang hindi nagpahuli sa kantahan sa Gaisano Mall. Present din sa nasabing okasyon sina Gabby Eigenmann ng InstaDad at former Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan na kapwa bumida sa isang Kapuso Meet and Greet sa Freedom Park.

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ALEX GONZAGA

ALONZO MUHLACH

ENRIQUE GIL

KAPUSO

KAPUSO FANS DAY

NOONG

PEBRERO

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with