Marami sa ating mga artista ay nagsisikap pa ring pumasok ng iskwela kahit pa may taglay na silang pangalan bilang artista at kumikita na ng malaki. Sila ang iilan sa mga naniniwala hindi panghabang-buhay ang pag-aartista at kailangan nilang i-secure ang kanilang future.
Si Marian Rivera ay isa sa masuwerteng nakatapos ng kolehiyo sa La Salle Dasmariñas. Meron siyang diploma para sa isang bachelor’s degree in Psychology. Ganundin si Maxene Magalona na nakatapos ng AB Social Sciences sa Ateneo. Tapos din ng kolehiyo si Alex Gonzaga. Ganundin si Bianca Gonzales-Intal. Pero ang talagang hahangaan mo ay ang dating beauty queen na si Melanie Marquez, na bagaman at inaalipusta natin dahil sa kanyang pag-i-Ingles ay nakatapos ng Business Administration sa International Academy of Management and Economics (IAME) at may karangalan pang cum laude. Balak din nitong kumuha ng abogasya na impluwensya ng kanyang mister na isang kilalang abogado sa US.
Marami pang kabataan ang nagtapos ng high school this year na sana ay maging inspirasyon nila para tapusin din ang kanilang kolehiyo.
Lance Raymundo bibida sa Senakulo
Si Lance Raymundo ang gaganap ng Jesus Christ sa isang Senakulo na ididirihe ni Lou Veloso. Dalawampu’t pitong taon nang ginagawa ni Lou ang pagdaraos ng ganitong palabas. Taun- taon nang ginagawa ni Lou ang ganitong pagtatanghal, at bawat taon may idinaragdag siyang bago. For this year, gagawin niya itong isang dance play. Pero sinabi ni Lou na hindi ito isang musical. Gusto lang niyang ibahin ang palabas niya. Next year, pakakantahin niya si Herodes na gagampanan ni Bernardo Bernardo. Magsisimula ang pagpapalabas nito sa March 29 sa Greenfield sa Ortigas. Tatakbo ito hanggang April 2 sa ilang mga piling venue.