^

PSN Showbiz

Mas powerful pa kesa sa government official female personality nakakapagpaalis ng mga karpinterong kulang ang dokumento

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang umpukan ng mga baguhan at beterano nang mga personalidad ay napagkuwentuhan ang matinding kontrobersiyang pinagpipistahan ngayon ng buong bayan. Bumangka sa kuwentuhan ang mga datihan nang artista.

Matapang kung sa matapang daw ang beteranang female personality na sangkot sa kontrobersiya, wala siyang inuurungan, pero ang dami-daming anekdotang nag­lu­tangan tungkol sa kanya nu’ng gabing ‘yun.

Kuwento ng isang datihan nang artista, “Nu’ng mga nakararaang dekada, e, hindi lang siya matapang, very powerful pa siya, dahil dikit na dikit sila ng karelasyon niya sa malalaking tao sa bansang ito nu’n.

“Marami siyang nagagawa na hindi kayang gawin kahit ng mga opisyal ng gobyerno, ganu’n siya katindi nu’n, kaya nakakapagpaalis siya ng mga tao kahit hindi naman puwede dahil kulang-kulang ang mga dokumento.

“Nagpaalis siya ng mga karpintero, may ipinagagawa siyang bahay nu’n sa ibang bansa, mga Pinoy ang gumawa at tumapos sa project niya. Ang nakakaloka, e, nu’ng may kumuha sa mga karpintero para mag-sideline sa bahay ng mga Pinoy.

“Pinayagan niya naman ang mga karpintero, pero sa isang kundisyon, may komisyon siya sa bawat ulo. Kada oras ang bayaran sa mga manggagawang Pilipino, kumukuha siya ng commission mula sa kinikita ng mga inimporta niyang karpintero.

“Ganu’n siya karunong pagdating sa pera, hindi puwede sa kanya ang mga thank you-thank you lang, hindi uso sa kanya ‘yun. Kailangang guma­nansiya siya sa kahit anong transaksiyon,” kuwento ng source.

Kuwento naman ng isa pang impormanteng nandu’n ay hindi uso sa kanya ang magandang garden. Ayaw niya sa mga namumulaklak lang na ha­la­man na pampagarbo lang ng kapaligiran. Mas gusto niyang taniman ng mga gulay ang buong bakuran niya.

“Kantahin mo ang Bahay Kubo, may tanim siya ng lahat ng mga gulay sa kantang ‘yun. Kaya niyang magpaluto ng pakbet na walang gulay na bibilhin sa palengke, kumpleto ‘yun sa bakuran niya. Ganu’n siya kahusay humawak ng pera, hindi siya nagsasayang,” napapailing pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Kaya ayaw nang magsalita pinaggagawa ni Melissa, hagip na hagip ng mga CCTV

Ayaw nang magsalita ngayon ni Melissa Mendez tungkol sa engkuwentrong naganap sa kanila sa erop­lano ni Rey Pamaran. Pinagbawalan na raw siya ng kanyang abogado.

Kung ganu’n na ayaw na niyang magsalita ay hindi na nga siguro mangyayari ang kundisyong hinihingi ng kanyang kalaban, ang linisin niya ang pangalan nito na diumano’y dinumihan niya on national television, kailangan daw niyang bawiin ang kanyang mga kuwento at magsabi siya ng katotohanan.

Wala ring makuhang witness si Melissa para tapatan ang mga ebidensiya ang kasong Slander By Deed na isinampa ni Reypams laban sa kanya. May mga kaibigan siyang kasama sa flight, pero pipi ang mga ito tungkol sa pangyayari, hindi raw para sa kanila ang idiin pa ang lugmok nang si Melissa.

Kuwento ng isang may alam sa istorya, “The previous night, e, uminom na si Melissa sa isang party. Kinabukasan, sumundot pa siya sa airport. Nakainom talaga siya, nakakalat ang CCTV ca­meras sa airport, videos will not lie,” sabi nito.

Maraming artista na ang nasangkot sa gulo dahil sa pag-inom, kukulangin ang mga daliri natin sa paa’t kamay kung papangalanan natin kung sinu-sino sila, iba ang tama ng alak kapag sobra na sa kapasidad lang ang ikinarga.

Bestfriend daw ng mga nagpapalakas ng loob ang alak. Kapag unti-unti na raw kasing umeepekto ang ispiritu ng inuming nakalalasing ay nagiging madulas ang dila at kumakapal ang mukha ng manginginom.

AYAW

BAHAY KUBO

GANU

KAYA

KUWENTO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with