^

PSN Showbiz

Pacman problemado raw sa ipamimigay na mga ticket sa pamilya at kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Itinanggi ng kampo ni Congressman Manny Pacquiao ang tsismis na napapadalas ang pagsumpong ng pulikat na bad sign para sa nalalapit na laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

Baka naman pinupulikat si Papa Manny dahil gamit na gamit na ang kanyang mga binti sa araw-araw na pag­takbo niya. Remember, masama sa katawan ang lahat ng sobra, mapa-exercise o pagkain.

Sa true lang, dedma ako sa isyu ng pamumulikat ng mga binti ni Papa Manny dahil mas concern ako sa cream na ginagamit na pang masahe sa kanyang calves.

Naloka ako nang malaman ko na US$1,800 ang halaga ng cream na halos P80,000 ang katumbas sa Philippine currency.

Hindi kasi sinabi ni Coach Freddie Roach ang brand ng cream na overacting ang presyo! May magic ba ang cream kaya sobrang expensive nito? Sino ba ang manufacturer ng cream na matindi kung managa ng presyo?

Kailangang ma-experience ko ang mysterious cream na ginagamit ni Papa Manny  para ma-prove ko kung karapat-dapat na bilhin siya sa halagang P80,000!

Problematic si Papa Manny dahil ilang linggo na lang, maghaharap na sila ni Mayweather pero hindi pa niya hawak ang tickets para sa kanyang pamilya na lumipad sa Amerika para manood sa MGM Grand Arena.

Ang emote ni Papa Manny ang malakas na pahiwatig na hindi dapat umasa ang mga nanghihingi sa kanya ng complimentary tickets dahil pahirapan talaga.

Bong hindi dinibdib ang hindi pagdalo sa graduation ng anak

Natural na nalungkot si Senator Bong Revilla Jr. dahil hindi siya pinayagan ng Sandiganbayan na dumalo kahapon sa high school graduation ng kanyang anak na si Loudette pero iginalang niya ang desisyon ng korte.

Naalaala ko noong intrigahin ang hiling ni Bong na magpa-check up siya sa St. Luke’s Global City dahil sa pagsumpong ng kanyang migraine.

Para hindi na lumaki ang isyu, nagdesisyon si Bong na kanselahin na lang ang request niya sa Sandiganbayan pero pinayagan siya ng mga judge na mag-overnight sa ospital para sa mga test sa kanya.

Knowing Bong,  nalungkot ito pero hindi na niya dinibdib  ang pagtanggi ng Sandiganbayan na umapir siya sa graduation ni Loudette. Si Lani Mercado na lang ang magre-represent sa kanya sa graduation ceremony.

Sigurado naman na magkikita ngayon ang mag-ama dahil araw ng Linggo ang kanilang family day. Kumpleto ang pamilya ni Bong sa PNP Custodial Center  tuwing Linggo at ngayon nila ipagdiriwang ang graduation ni Loudette na tumanggap ng maraming parangal mula school na pinapasukan niya.

Matteo pinagdududahan ang sincerity kay Sarah

Kinikilig ako sa sweetness nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kaya nagulat ako nang malaman ko na may fans na hindi pabor sa kanilang relasyon.

Ang sabi ng fans na nagrereklamo, gusto nila na maging maligaya si Sarah sa lovelife nito pero kuwidaw daw sila kay Matteo.

Hindi raw nila nararamdaman ang sincerity ng boyfriend ni Sarah at ang body language ni Matteo ang basehan ng kanilang mga obserbasyon.

Twenty-six years old na si Sarah at siguro naman, siya ang unang makakaramdam kung hindi sincere ang intensyon sa kanya ni Matteo. Saka hindi naman nagkukulang sa paalaala ang mga magulang ni Sarah na gumagabay sa kanya.

Matagal ko nang hindi nakikita ang fadir at madir ni Sarah. Kapag nakita ko si Mommy Divine, uusisain ko talaga siya tungkol sa opinyon niya kay Matteo. Mother’s know best ‘di ba? Imposible na walang opinyon o komento si Mommy Divine at ang kanyang mister na si Daddy Delfin sa boyfriend ni Sarah.

vuukle comment

COACH FREDDIE ROACH

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

LOUDETTE

MATTEO

MOMMY DIVINE

PAPA MANNY

SANDIGANBAYAN

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with