MANILA, Philippines - Nang ipadala ang Amerikanang si Jenessa sa Pilipinas para sa kanyang teaching mission, malungkot ang dalaga sa pagkakalayo niya sa kanyang pamilya at sa paniniwalang wala na itong mga pakialam sa kanya. Mga bagay na makakalimutan niya sa kanyang pagkilala kay Shem, isang Mangyan.
Hindi tulad ni Jenessa, walang pinag-aralan si Shem ngunit kung ano man ang kakulangan niya sa education ay siya namang pinupunan niya ng kaalaman, gamit ang kanyang mga dinanas sa buhay.
Sa kanilang pagsasama, matuturuan nila ang isa’t isa through their shared experiences at matuturuan rin nila ang isa’t isa kung paano nga ba magmahal ng buo at nang walang tinitingnan na panlabas na kaanyuhan.
Ngayong Sabado, samahan sina Max Collins at Rodjun Cruz sa kanilang pagsasabuhay ng nakaka-in love na kuwento ng isang guro at ng estudyanteng nagturo sa kanya ng iba’t ibang uri ng pag-ibig.
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (March 28), pagkatapos ng Pepito Manaloto, ang Tunay na Kuwento sa GMA7.