Itinuturing na Fight of the Century ang nalalapit na laban nina Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather on May 2, 2015 sa Las Vegas, Nevada kaya ang buong mundo ay tiyak na nakatutok sa kanilang laban.
Kung dati-rati’y exclusive na napapanood sa GMA ang iba’t ibang laban ni Manny Pacquiao sa pamamagitan ng Solar Sports Entertainment, ngayon ay tatlong major TV networks na ang magpapalabas sa inaabangang laban niya kay Mayweather – ang ABS-CBN, GMA at TV5. Sampung milyon dolyares ang ibinayad ng Solar Sports Entertainment ni Wilson Tieng para maipalabas sa Pilipinas sa pamamagitan ng free TV ang much-awaited fight nina Pacman at Mayweather.
Si Manny ang may kagustuhan na maipalabas ang laban nila ni Mayweather sa tatlong major TV networks para mapanood sa buong bansa ng mga Pinoy hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Alonzo hindi remake ni Niño ang launching movie
Kinukulit kami ng bagong child wonder na si Alonzo Muhlach kung ano ang title ng kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films na malapit na niyang simulan. Sinabi namin sa kanya (Alonzo) na hindi pa definite ang title dahil hindi ito remake ng pelikulang unang pinagbidahan ng kanyang amang si Niño Muhlach.
“It’s an original material,” pahayag ni Boss Vic del Rosario ng Viva.
“Siguro sa second movie na ni Alonzo ang gagawin niyang remake,” dugtong pa ng top honcho ng Viva.
Although clueless pa si Alonzo kung ano ang titulo ng kanyang launching movie, excited na siyang gawin ito laluna’t summer at bakasyon.
Bukod sa taping ng kanyang dalawang TV series sa Kapamilya Network na Inday Bote at Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures, may ilang product endorsements ding isu-shoot si Alonzo na malamang sabay-sabay na magsimula sa darating na pasukan sa buwan ng Hunyo.