Ibang fans ng singer/actress hindi raw kinikilig sa karelasyon ng idolo

MANILA, Philippines - Umaangal ang ilang fans ng singer/actress. Feeling nila, masyadong ‘nagagamit’ ng karelasyon ang singer/actress. Bakit naman daw kailangan talaga sa lahat ng interview at usapan, ang karelasyong singer/actress ang bida. Bakit naman daw hindi pag-usapan ang tungkol sa career ng aktor na puna nila ay dumami ang endorsement nang makarelasyon ang singer-actress?

Sana naman daw ay totohanan na ang kanilang relasyon dahil paalala ng mga taong malalapit sa singer/actress, laging nasa huli ang pagsisisi.

Kalokah, nakikinig lang ako sa emote ng ilang sagigilid. Pero ang nakakatawa, hindi pala lahat ay kinikilig sa kanila. Meron ding nakokor­nihan at kontra.

Jennylyn makikipag-swimming sa mga shark sa Kuwaresma

Sa Malapascua in Cebu magpapalipas ng Holy Week ang bida ng Second Chances na si Jennylyn Mercado.

Yup magda-dive siya kasama ang mga shark. Wow. Ibang klase. Isa sa hilig ni Jennylyn ang diving as in favorite past time niya ang mag-explore underwater dahil ayon sa kanya, kakaibang mundo talaga ito.

Sana lang maalala rin ni Jennylyn na magsimba sa panahon ng Kuwaresma. Hehehe. Peace.

Albert hindi na kinayang magtrabaho

Kinumpirma ng representative ng Viva Films na opisyal nang nag-withdraw si Albert Martinez mula sa cast ng Felix Y. Manalo: The Last Messenger, ang historical biopic ni Felix Y. Manalo, ang founder ng Iglesia ni Cristo.

Agad na tinanggap ng Viva Communications ang request ng kampo ng aktor.

Wala pang sinasabi ang Viva kung sino ang papalit sa cha­racter na iniwan ni Albert although may balitang si Dennis Trillo na rin na gaganap sanang batang Felix Manalo.

 Nonito hindi pinapayagang manood ng TV ang anak

 Kasabihan ng marami, ang pagiging magulang ay isang kakaibang karanasan.

Nababago ang lahat ng pananaw sa buhay, mga prayoridad, pamumuhay at ang buong pagkatao ‘pag naging magulang ka na.

Si Nonito Donaire ay naniniwala na ang pagiging ama sa kanyang panganay na si Jarel, at ang napi­pintong pagsilang ng ikalawa niyang anak ay isang blessing na mas higit pa sa mga panalo, kasikatan at kayamanan.

“It just makes you proud seeing how he’s figuring colors, numbers, all that stuff, it just makes you proud,” pagbabahagi ni Nonito, “I’m excited to also see it in my second baby boy. The feeling is something you can’t compare with.”

Nakumpirma mula kay Nonito na nagdadalang-tao nga at manganganak na ang asawang si Rachel kaya hindi ito makakasama o makakadalo sa napipintong laban kay William Prado sa Pinoy Pride 30: D-Day.

 “It pains me to be away from them for so long, masakit talaga,” aniya, at nakuwento din niya na ayaw bitawan ng panganay ang kanyang kamay nang nasa airport na sila.

Nang tanungin siya kung papayagan ba niya ang anak na si Jarel mag-boksing at sundan ang yapak niya, hindi siya nagpatumpik-tumpik na sabihing “Jarel is free to choose on his own. I’ll be there to support him whether it will be boxing or if he decides to pursue soccer, pero puwede siya mamili,” at binunyag din niya na hindi puwedeng mag-TV sa kanilang bahay dahil may training sa soccer ang anak tuwing weekend. “He also packs a mean right, you know,” sabi ng former five-division champion habang tumatawa.

Nagsisilbi raw pampalakas ng boksingerong kilala bilang The Filipino Flash ang pagkawalay sa kanyang pamilya. Ang kanilang “mini-reunion” pagkatapos ng bakbakan sa Pinoy Pride 30: D-Day, na gaganapin ngayon, Marso 28 sa Araneta Coliseum, ang nagtutulak sa kanya para magtagumpay sa kanyang comeback fight.

Handog ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions ang Pinoy Pride 30: D-Day na pagbibidahan nina WBO Flyweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes at Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. Ito ay maaa­ring mapanood ng live sa Skycable Pay-Per-View at ipapalabas sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action bukas, March 29, Linggo, 9:45 a.m.                                                                                       

Show comments