MANILA, Philippines - Ang surprise birthday treat kay Vice Ganda ng ABS-CBN executive at manager niyang si Deo Endrinal noong Miyerkules ng gabi sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center, Pasig City.
Wala raw kaalam-alam si Vice sa sorpresang ‘yon sa kanya.
Karamihan ng mga bisita ni Vice ay mga taga-ABS-CBN.
Nandoon daw ang mga taga-It’s Showtime sa pangunguna ni Anne Curtis.
Marami rin daw ABS-CBN executives ang um-attend tulad ni Cory Vidanes.
Sa March 31 ang talagang birthday ni Vice, pero paalis daw kasi ngayon si Vice papunta sa Hawaii dahil may series of shows siya sa iba’t ibang lugar sa Amerika kaya binigyan na siya ng advance birthday surprise ni Deo.
Wala sa nabanggit na birthday surprise para kay Vice ang “asawa” niyang si Kris Aquino.
“Asawa” ang tawagan ng mag-BFF.
Maaga raw kasi ang flight ni Kris kahapon papuntang Malaysia, kaya hindi na naka-attend doon ang tinaguriang Queen of All Media.