Kasambahay na beauty queen nakakasawa na ang mga litanya!

Scene :  Dapat nang huminto si  2015 Bb. Pilipinas-International Janicel Lubina sa pagsasabi na dating kasambahay siya  na na­ngarap na makaahon sa kahirapan dahil nakakasawa na ang kanyang mga dialogue. Walang masama sa pagiging kasambahay, period!

Seen :  Ang surprise birthday party para kay Vice Ganda noong Miyerkules sa isang sky bar sa Ortigas Center, Pasig. Turning 39 si Vice Ganda sa March 31.

Scene : Contender sa Asia’s Next Top Model si Franchesca Lagua na claim-to-fame na apo siya ng yumaong singer na si Yoyoy Villame. Hindi sigurado si Franchesca kung paano niya naging lolo si Yoyoy.

Seen : Sumali sina Roadfill  Obeso  ng Moymoy Pa­laboy  at Felicitas Garcia sa auditions ng  AXN’s Asia’s Got Talent sa SMX Convention Center noong September 2014 at sinuwerte na makapasa. Lumipad sa Singapore ang dalawa para sa semi-finals na ginanap sa Marina Bay Sands at dito sila binigyan ng standing ovation ng audience dahil sa pagkanta ni Felicitas ng Total Eclipse of the Heart.

Scene : Hindi baguhan  si Felicitas Garcia sa pagsali sa mga singing contest. Sumali na siya noon sa It’s Showtime at na-feature ang kanyang life story sa mga programa nina Arnold Clavio at Jessica Soho sa GMA News TV at GMA 7, respectively.

Seen : Makitid ang pag-iisip ng mga nagsasabi na hindi na dapat idi­nemanda ni Rey Pamaran si Melissa Mendez dahil lalake siya. Nakalimutan ang isyu ng gender equality.

Show comments