Kasambahay na beauty queen nakakasawa na ang mga litanya!
Scene : Dapat nang huminto si 2015 Bb. Pilipinas-International Janicel Lubina sa pagsasabi na dating kasambahay siya na nangarap na makaahon sa kahirapan dahil nakakasawa na ang kanyang mga dialogue. Walang masama sa pagiging kasambahay, period!
Seen : Ang surprise birthday party para kay Vice Ganda noong Miyerkules sa isang sky bar sa Ortigas Center, Pasig. Turning 39 si Vice Ganda sa March 31.
Scene : Contender sa Asia’s Next Top Model si Franchesca Lagua na claim-to-fame na apo siya ng yumaong singer na si Yoyoy Villame. Hindi sigurado si Franchesca kung paano niya naging lolo si Yoyoy.
Seen : Sumali sina Roadfill Obeso ng Moymoy Palaboy at Felicitas Garcia sa auditions ng AXN’s Asia’s Got Talent sa SMX Convention Center noong September 2014 at sinuwerte na makapasa. Lumipad sa Singapore ang dalawa para sa semi-finals na ginanap sa Marina Bay Sands at dito sila binigyan ng standing ovation ng audience dahil sa pagkanta ni Felicitas ng Total Eclipse of the Heart.
Scene : Hindi baguhan si Felicitas Garcia sa pagsali sa mga singing contest. Sumali na siya noon sa It’s Showtime at na-feature ang kanyang life story sa mga programa nina Arnold Clavio at Jessica Soho sa GMA News TV at GMA 7, respectively.
Seen : Makitid ang pag-iisip ng mga nagsasabi na hindi na dapat idinemanda ni Rey Pamaran si Melissa Mendez dahil lalake siya. Nakalimutan ang isyu ng gender equality.
- Latest