Dahil sa isang napakalaking isyung kailangan nilang tutukan-bantayan ay nagkakasama-sama na naman ngayon ang mga news reporters ng iba-ibang networks.
May kani-kanyang tirahan sila, magkakaiba ang kanilang hotel, pero nagkikita-kita sila sa isang lugar para du’n kunin ang mga balitang isinasahimpapawid nila.
Sa ganu’ng sitwasyon nag-ugat ang relasyon ng isang male reporter at ng isang government official. Matagal na na-assign ang news reporter sa probinsiyang pinamumunuan ng opisyal ng gobyerno, nagkalapit sila, hanggang sa magkaroon na sila ng espesyal na relasyon.
Bonggang-bonggang mag-alaga ng karelasyon ang government official, busog na busog ang kanyang karelasyon sa lahat ng bagay, kaya maraming nagulantang nang makita nila ang male news reporter na puro branded na ang mga isinusuot.
Branded shoes, branded T-shirts, bago na rin ang kanyang relo, may bago pa siyang laptop. Paano ‘yun naipundar ng male news reporter samantalang palagi nga siyang umaangal sa maliit lang niyang suweldo sa kanyang network?
“At hindi na rin siya sa ordinary room ng hotel natutulog, nasa suite na siya, ang mga cameramen na lang niya ang naiwan sa ordinary room ng hotel,” kuwento ng isang source.
Nakarating sa boss ng male news reporter ang lahat-lahat, ipinatawag nito ang news reporter, kailangan niyang ibalik ang lahat ng stuff na ibinigay sa kanya ng government official. Sa ayaw niya’t sa gusto ‘yun, or else, mawawalan siya ng trabaho.
Natapos ang kanilang relasyon pero may bago na namang kuwento tungkol sa lovelife ng male news reporter. Karelasyon niya naman ngayon ang isang malamyang male news reporter ng isang network, pinagpipistahan ng kanilang mga kasamahan ang napakaespesyal nilang pagtitinginan habang nagbabantay sila ng balitang maire-report nila, para kuno silang bagoong at kare-kare na hindi mapaghihiwalay.
Ubos!
Wala raw natupad sa mga sinasabi Kris inaakusahang mas walang delicadeza ng Noranians
Galit na galit ang mga tagasuporta ni Nora Aunor kay Kris Aquino. Hindi matanggap ng mga Noranian ang sinabi ni Kris na tutuparin pa rin niya ang pangakong pamasahe ng Superstar papuntang Boston pero ang tanong ay kukunin pa raw kaya ‘yun ng aktres pagkatapos ng lahat?
Delicadeza ang tawag du’n. Nangako ng pambili ng airfare si Kris para sa pagpapagamot ni Nora sa Amerika, pero pagkatapos lang nang ilang araw ay sumama na si Nora sa grupong Migrante na sumisigaw ng pagpapababa kay P-Noy sa posisyon, tanggapin pa raw kaya ng aktres ang pangakong pamasahe ni Kris?
Mas wala raw delicadeza si Kris, sabi ng mga Noranian, dahil lahat ng kanyang mga sinasabi ay hindi niya naman tinutupad. Aalis na raw siya ng bansa at mamumuhay nang tahimik kasama ang kanyang mga anak, pero bakit nandito pa rin naman si Kris, ganu’n daw ba ang may delicadeza?
Nakikipagrelasyon kuno si Kris sa mga lalaking pamilyado na, ‘yun daw ba ang may delicadeza, wala raw bang malaking salamin sa kanyang bahay ang aktres-TV host?
Wala raw plano si Nora na tanggapin ang iniaalok na pambili ng ticket ni Kris, kaya raw bumili ng ticket ni Nora, pero ang kawalan ng delicadeza sa maraming aspeto ni Kris Aquino ay hindi na mabubura pa magpakailanman.
Ubos na ubos!