MANILA, Philippines - Bukod sa pelikulang The Break Up Playlist with Piolo Pascual, magkakaroon ng major concert in November si Sarah Geronimo.
Maalalang hindi nagkaroon ng major concert si Sarah last year matapos ang magkasunod niyang successful concert sa Araneta Coliseum at MOA Arena noong 2013 (Perfect 10).
Mismong ang manager niyang si Mr. Vic del Rosario ang nagsabi na inaayos na ang nasabing concert ni Sarah na waging-wagi the other night sa ginanap na taunang MYX Music Awards. Apat na trophy ang napanalunan niya kasama na ang top prize na Favorite Music Video, for Tayo. Naiuwi rin niya ang Favorite Artist, Favorite Female Artist, and Favorite Remake para sa Maybe This Time.
PTV4, RPN 9, IBC 13 and Net 25 kinalimutan daw ni Pacman
May mga nagpo-protesta sa naging decision ni Manny Pacquiao na ipalabas sa tatlong major network – TV 5, ABS-CBN 2, GMA 7 ang kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr sa May 2. Paano naman daw ang PTV4, RPN 9, IBC 13 and Net 25? Hahaha. Nakalimutan naman daw yata ni Pacman na meron pang ibang network.
Kidding aside, at least everybody happy sa naging decision ng Pambansang Kamao na ibigay ang coverage sa tatlong higanteng network. “Maraming-maraming salamat sa GMA, ABS-CBN, TV5 and Solar Sports dahil sa pagkakaisa, pagkakaintindihan para mapalabas sa ating mga kababayan ang fight na ito,” sabi ni Pacquiao.
Maalalang balitang may offer ang ABS-CBN sa kampo ni Mayweather kaya siguro nag-decide si Pacman na pagbigyan na lang lahat.
Concert ni Vice Ganda sa gitna ang stage, ssssspg rin!
Nagpramis si Vice Ganda na gugulatin niya ang manonood ng kanyang fourth major concert na Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow! Lalo na at ang stage nila ay nakapwesto sa gitna ng Big Dome. Pasabog din daw ang special at high-tech concert effects. Aniya, “Ang show namin ay hindi lang basta SPG (strict parental guidance), SSSSSPG po siya.”
Ang huling concert ni Vice sa Araneta Coliseum na I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta ay jampacked. Ang dalawang nauna niyang hit concerts ay ang The Unkabogable Concert noong 2011 at May Nag-Text…Yung Totoo: Vice Ganda sa Araneta! sa 2010.
Ang Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow! ay sa ilalim ng produksyon ng Star Events at ABS-CBN Events, stage direction ni Paul Basinilio.
Mabibili na ang tickets para sa concert ni Vice sa Ticketnet outlets at sa Araneta Coliseum Box Office. Maaaring tumawag sa 911-5555, o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.