Sana naman ay hindi makahadlang sa anumang binabalak ni JM de Guzman para sa kanila ng ex niyang si Jessy Mendiola ang umano’y pagtutol ng kanyang fans na ligawan niyang muli ang aktres.
Parang hindi nga maganda ang dating sa supporters ng aktor sa kanila na in good times lamang okay si JM sa aktres. In bad times, nawawala ito na ang tinutukoy ay noong panahong nasa rehab ang kanilang idolo na hindi man lang daw naalala ng aktres.
Ngayong muling nagkabalikan ang dalawa as friends, gusto ng fans na manatili na lamang sa ganitong sitwasyon ang dalawa at huwag nang balikan ang kanilang nakaraan. Naniniwala silang payag lang ang aktres na balikan ang nakaraan nila dahil okay nang muli ang karer ng aktor. Magaling na ito at matagumpay na nabalikan ang kanyang pagiging artista. Naniniwala silang mas nakakaangat na ngayon ang aktor sa kanyang ex na wala pang ginagawang trabaho samantalang abalang-abala at walang pahinga sa trabaho si JM.
Bintang na pamimili kay Nora, unfair
Unfair naman yung ibinibintang kay Nora Aunor na hindi niya deserved mag-best actress dahil iginapang at inilakad ng kanyang manager ang dalawang huling best actress award na nakuha niya. Sa tagal ba naman ni Angge Lee sa showbiz, ngayon pa siya gagapang ng award para sa isang alaga niya na hindi na magkandaugaga sa rami ng napapanalunang awards?