Fans ni Regine tagumpay sa kampanya!
Matutuwa nito ang fans ni Regine Velasquez na hindi pabor na mag-support lang si Songbird kina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa launching series nilang Let the Love Begin dahil sa balitang hindi na kasama si Regine sa cast.
Nagbunga agad ang panawagan ng fans ni Regine sa social media lalo na sa press people na ‘wag isali si Songbird sa cast.
Ang gusto namin malaman ay kung wala na rin sa cast ng series si Ariel Rivera na sabi, ipapareha kay Regine? Hindi natuloy ang storycon ng Let the Love Begin noong Monday, kaya hindi nakita kung sino ang bubuo ng cast.
Ang mangyayari, habang wala pang teleserye na nabubuo ang GMA-7 para kay Regine, sa Star Struck muna siya mapapanood as one of the three judges kasama sina Joey de Leon at Jennylyn Mercado.
Anyway, nauna na naman si Regine sa pagpo-promote sa May 29 birthday concert ni Darren Espanto sa SM MOA Arena. Nagpasalamat ang fans ni Darren kay Regine at ang request nila ngayon ay mag-guest si Regine sa concert ni Darren. Paging the concert producer!
GF ni Derek masyadong malihim
Pinost ni Derek Ramsay sa Instagram (IG) ang padalang food sa kanya ni Joanne Villablanca na sinasabing GF na ng actor/TV host.
Hindi mapasok ng fans ni Derek ang IG account ng rumored GF niya dahil naka-private ito at wala kaming nakikitang picture nila together sa IG ni Derek. Magkasama o isinama raw ni Derek ang GF sa Dubai nang mag-compete ang Philippine team ng Frisbee, pero wala silang picture. Sa ibang IG account lumabas ang pictures nilang dalawa.
Speaking of Derek, mapapanood sa show niya sa TV5 na Extreme Series, 10:15 p.m tonight ang 2nd Vios Race Cup na ginawa sa Clark Speedway at sinalihan niya. Tie umano sina Derek at Jasmine Curtis-Smith at lamang lang si Jasmine ng 0.2 seconds, pero no. 11 pa rin si Jasmine at no. 12 si Derek at pareho silang pumasok sa qualifying round para sa Promotional class.
- Latest