Ang mister ng kilalang Kapamilya news anchor na si Karen Davila na si DJ Sta. Ana ang head of operations ng News5, pero walang conflict ang mag-asawa hinggil dito.
Si DJ ang namumuno sa pagga-gather sa day-to-day news activities including special news coverage.
Naging matagumpay ang News5 ng TV5 sa pangunguna sa pag-broadcast ng maraming exclusive breaking news tulad ng pagtatayo ng China ng ilang structures sa West Philippine Sea at ang confirmation ng pagkakapatay ng Malaysian high-profile terrorist na si Marwan during the Mamasapano clash. Kakaiba rin ang naging coverage ng News5 sa Typhoon Yolanda at recent Papal visit.
Mahigit dalawang dekada na rin ang experience ni DJ sa industriya at kilala siya sa kanyang in-depth Presidential coverages mula kay President Cory Aquino hanggang kay Pres. Joseph “Erap” Estrada. Siya rin ang namuno sa news operations ng ibang major TV networks bago siya lumipat ng TV5 as News5 Head of Operations.
Although nasa magkaribal na istasyon ang pinaglilingkuran ni DJ at ng kanyang misis na si Karen na parehong news department, never nila itong naging isyu dahil pareho silang may magkahiwalay na trabaho na kailangan nilang harapin at gampanan.
AiAi si Bossing ang unang katambal sa Siyete
May nagsabi sa amin na done deal na umano ang muling paglipat sa Kapuso Network ng Concert Comedy Queen na si AiAi delas Alas. Anyday soon ay nakatakda umanong pumirma ng kontrata si AiAi sa GMA dahil may naghihintay na bagong TV projects sa kanya, isang weekly TV sitcom na pagtatambalan nila ni Vic Sotto at isang TV drama series, ang Let the Love Begin na siyang launching ng tambalan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Expired na umano ang kontrata ni AiAi sa Kapamilya Network at matagal-tagal na rin itong walang TV project sa nasabing network na naging tahanan niya for many years.
Si AiAi ay huling napanood sa pelikulang Past Tense ng Star Cinema kung saan niya nakasama sina Kim Chiu at Xian Lim.