Pia inihahabol na maging First Lady

Bago pa sumalang si Kris Aqiuino sa The Buzz nung Linggo para sa kanyang interview with the 5 title holders ng Bb. Pilipinas beauty pageant ay sinabihan na siya agad ng kanyang kuya P-Noy to be nice to one of them na. Siyempre, ipinalagay ni Kris na si Pia Alonzo Wurztbach nga iyon. True enough, sinabi ng beauty queen kay Kris during the show na nabanggit niya sa Pangulo na maggi-guest siya sa programa nito at ni Boy Abunda. Hindi na dapat pa niyang sabihin na may communications sila ni P-Noy at hindi na siya dapat gawan ng isyu kay Azkals player na si Phil Young­husband dahil ba­go si P-Noy ay nakiki­pag-date rin siya rito.

Obvious na pabor si Kris­teta sa bagong girl ng kuya niya. Maski phone number niya ay ibinigay ni­ya rito para matawagan siya at siguro malaman ang latest update sa kanilang dalawa. Never siyang nagpakita ng ganitong pagkagiliw sa naging ex ng Pa­ngulo na tulad nina dating Coun­cilor Shalani Soledad Romulo at Grace Lee. Pero kung saka-sakali, dapat siguro mabilis ang gawing pagpapasya ni Pia. Baka hindi siya uma­bot ng Malacañang sa pagiging first lady nito!

Pagbabalik-TV ni Willie wala pang petsa

Tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik-TV ni Willie Revillame sa GMA. Ang hindi pa malinaw ay kung May 2, Sabado at araw ng laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr., magsisimula ang airing nito.

Ayon sa aking source, hindi araw-araw at tuwing Linggo lamang mapapanood ang prog­ra­ma niyang WoWoWin at itatapat ito ng Kapuso Net­work sa 20 taon nang namamayaning ASAP 20. Co-producer ni Willie ang TAPE, prodyuser ng Eat Bu­la­ga. Isang taong kontrata ang pinirmahan ni Willie sa GMA.

Jeric hindi type si Thea, umamin na puwedeng mahulog kay Lindsay

Binigo ng Protégé Season 2 male champion na si Jeric Gonzales ang marami nilang tagahanga ni Thea Tolentino nang walang magandang naging resulta ang loveteam nila. Ni konting pagkagiliw sa isa’t isa ay walang nabakas ang mga tagasubaybay at sa halip ay parang pina­yagan na lamang nilang mauwi sila sa wala.

May ibang ka-loveteam na ngayon si Jeric sa katauhan ni Lindsay De Vera na kasama niya sa Pari Koy.

“Okay kami sa set. Nagtutulungan kami dahil kami ‘yung mga medyo bata rito sa cast.”

Inusisa rin namin kung tulad nila ni Thea ay mauwi rin sa wala ang pagpapareha sa kanila ni Lindsay o may posibilidad bang mauwi sa totohanan ang pagiging mag-partner nila.

“Sumusunod lang naman kami sa agos. Hindi siguro kami meant ni Thea, pero we tried, mas meant kami to be friends. Maganda si Lindsay, mabait din. Siguro hindi malayong magkagusto ako sa kanya,” nakangiting sabi ng Kapuso actor.

Show comments