^

PSN Showbiz

Lumaki na talaga ang ulo sikat na female personality idinadaan sa biro ang kamalditahan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mapambara pala ang isang popular na female personality. Mahilig siyang mambara ng mga kumakausap sa kanya, ginagawa niyang biro lang kunwari ‘yun, pero seryoso siya sa kanyang ginagawa.

Ayon sa aming impormante, dati naman ay hindi ganyan kaangas ang babaeng personalidad, mukha nga raw siyang kawawa sa taping ng isang sitcom nu’ng hindi pa lumalaki ang kanyang pangalan.

“Dati, tahimik lang siya. Well, kasi nga, e, nag-uumpisa pa lang siya nu’n, wala pa siyang magagandang opportunity, kaya simple lang siya at mabait naman.

“Iniwan niya ang unang manager niya, right? ‘Yun ang naghirap sa kanya, pero nu’ng kumabilang-bakod na siya at naramdaman niyang bigger opportunities are coming, basta na lang niya iniwan ang manager niya.

“It was the mom who took over, nanghihinayang kasi sila sa ibabawas na commission ng manager, gusto nilang magkapera nang walang puhunan, that was it.

“’Yung iniwan niyang manager ang kumuha ng first endorsement niya kung saan siya nagmarka, isinama siya sa commercial ng isang hunk actor na sikat na sikat kaya nakakuha siya ng public attention.

“So sad. Nagbago rin ang ugali niya, akala niya siguro, for life na ang fame na meron siya ngayon. Tomorrow is not promised,” napapailing na kuwento ng aming source.

Napapansin ng kanyang mga katrabaho na mapambara siya, lagi siyang namimilosopo, seryoso ang kanyang kausap pero ginagawa niyang joke lang ang lahat.

“Sarcastic siya, pero idinadaan niya sa biro ang kamalditahan niya. Mambabara siya ng kausap, tapos, sasabihin niya, ‘Joke!’ Magbait-baitan man siya ngayon, e, kilala na siya ng mga nakakatrabaho niya,” dagdag pa ng aming impormante.

Ubos!

Dahil sa One Direction, anak ni Sen. Jinggoy nakalimot sa problema

Habang nagkukuwentuhan kami ni Precy Ejercito nu’ng Linggo nang hapon sa Custodial Center ay biglang lumapit sa amin ang bunso nila ni Senador Jinggoy Estrada na si Jill, “Mommy, five hours na lang!”

Linggo pa lang nang umaga ay nagka-countdown na si Jill, manonood kasi sila nina Jolo at Julian ng concert ng One Direction, niregaluhan sila ng ticket ng kanilang tita para mapanood ang British group.

Kuwento ni Precy, “Hindi puwedeng hindi ako kasama, ayoko siyang hayaang mag-isa, dahil kapag nasa peak na ang show, siguradong makikisayaw ang mga kuya niya!”

Kahit wala ang kanyang paboritong miyembro ng 1D na si Zayn Malik ay okey lang kay Jill, pero mas maganda raw sana kung kumpleto ang One Direction, para kumpleto ang kanyang kaligayahan.

“Ewan ko ba kung bakit hibang na hibang ang mga bagets sa 1D! ‘Yung anak ng isang friend ko, iyak din daw nang iyak, nu’ng tanungin niya ang bata kung bakit, hindi raw kasi niya akalaing makikita pala niya nang personal ang gurpo!

“Itong si Jill, ganu’n din, paggising niya kaninang umaga, lapit siya agad sa akin, ‘OMG, mom! I’ll see them na tonight!’ Countdown siya nang countdown!” natatawang kuwento ng misis ni Senador Jinggoy.

Paminsan-minsan ay maganda rin ang ganyan na kahit paano’y nalilibang kahit pansamantala lang ang mga anak ni Senador Jinggoy, matindi ang problemang pinagdaraanan ng kanilang pamilya, kaya kahit sa loob lang nang ilang oras ay makagaganda sa kanila ang paglimot sa problema.

CUSTODIAL CENTER

LANG

LINGGO

NANG

NIYA

ONE DIRECTION

PRECY EJERCITO

SENADOR JINGGOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with