^

PSN Showbiz

Russian actor/producer na si Alexander Nevsky, na in love sa ‘Pinas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-in love sa Pilipinas ang Russian actor/director na si Alexander Nevsky na producer at bida sa Hollywood film na Showdown in Manila.

Nang humarap ang Arnold Schwar­zenegger ng Russia sa isang presscon, puring-puri niya ang ating bansa.

Nakakailang araw na silang nagso-shooting ng Showdown in Manila at kasa­lukuyan silang nasa Dakak para sa limang araw na shooting doon. Pagkatapos nila doon ay malamang pumunta sila ng El Nido.

Bago naging aktor, si Alexander ay tatlong beses nanalong Mr. Universe. Isang sikat na action star din siya sa Russia, lumipad ng bansa si Alexander para sa action adventure film kasama ang ilang Hollywood stars at dinidirek ng  le­gendary actor, Iron Chef America Chairman and martial artist Mark Dacascos (Crying Freeman, Brotherhood of the Wolf) kasama ang mga Hollywood stars na sina Casper Van Dien (Tarzan and Starship Troopers), Cary-Hiroyuki Tagawa, Tia Carrere, Matthias Hues, Don “The Dragon” Wilson, Oliver Gruner and Cynthia Rothrock. Kasama naman sa Filipino cast members sina Iza Calzado, Jake Macapagal, Mon Confiado and Will Devaughn. Nagsimula silang mag-shooting sa bansa last March 9.

Ayon pa kay Alexander matagal na talaga niyang gustong bumisita ng Pilipinas at gumawa ng pelikula.

“It was my dream for many years to go to the Philippines. And I am happy that I can shoot my action film here also,” says Nevsky.

Hindi na stranger si Nevsky sa international action flicks. Nakasama na siya sa pelikulang Undisputed, Moscow Heat, Treasure Raiders and Magic Man. Nevsky’s most recent theatrical hit ay ang Black Rose, a psychological thriller released internationally in 2014 na siya mismo ang direktor. Co-stars niya sa Black Rose sina Kristanna Loken (Terminator 3: Rise of the Machines ) and Adrian Paul (Highlander).

Nang makaharap namin si Mr. Nevsky, grabe ang tangkad, 6’6 na hindi nakakataka dahil superstar bodybuilder din ang aktor.

Armed with a degree mula sa State Academy of Management in Moscow, Nevsky published five books and authored 500 articles tungkol sa fitness and bodybuilding in Russia. Nanirahan siya sa California noong 1999 kung saan siya nag-aral ng English sa UCLA and acting sa iconic na Lee Strasberg Theatre Institute.

Nag-attend din siya ng master classes ng iba’t ibang klase ng martial arts under Chuck Norris and Steven Seagal. Siya rin ang kauna-unahang Russian writer, produ, and actor na naka-penetrate sa Hollywood.

Kasamang producer ni Alexander sa Showdown in Manila ang Hollywood director na si Andrzej Bartkowiak ( Romeo Must Die, Doom) at Direk Mark Dacascos.

Magkakaroon ng international exhibition ang pelikula before the end of 2015.

Mga obra ni Solenn naka-display na

Nasa isang gallery na sa Makati ang ilang painting ni Solenn Heussaff. Yup, naka-display sa itaas ng Vask Restaurant sa Bonifacio Global City ang ilan sa kanyang mga obra. Ito ay bukod pa sa naka-schedule niyang painting exhibit kung saan ipi-feature niya ang ‘30 faces around the world.’

Naunang kinuwento ni Solenn na marami na siyang naipamigay na painting kaya laging nababawasan ang mga obra niya.

Bukod sa pagpi-pinta para sa kanyang exhibit, last week lang ay pumirma si Solenn ng album contract sa Universal Records. Namimili na sila ng mga kantang puwedeng isama sa kanyang third album. Gusto ni Solenn na may original songs.

By the way, ‘hottie’ pala ang tingin ni Solenn kay Mark Bautista. Kaya nang malaman ito ng singer, pinaldahan daw nito ng flowers si Solenn. Natuwa naman daw si Solenn pero common knowledge na engaged na ang singer/actress. Sayang wala sanang girlfriend si Mark. Mukhang pihikan talaga itong si Mark sa babae. Aba matagal-tagal na ring nababalitang wala siyang karelasyon. Buti pa si Erik Santos.

Fans ni Regine nagpo-protesta sa GMA

Nagrereklamo ang fans ni Regine Velasquez nang mabalitang kasama ang Songbird sa launching project nang pinu-push na bagong loveteam ng GMA 7 na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

They compiled Regine’s achievements at saka ipinamumukha na hindi puwedeng pang-support lang ang kanilang idolo. At may sarili silang hastag : #DearGMARespectRegineV NO TO SUPPORTING ROLE.

Hindi pa natatagalan nang magka-isyu na makakasama si Regine sa revival ng Let the Love Begin. Ang kuwento, silang dalawa ni AiAi delas Alas ang magiging main support ng magka-loveteam.

ADRIAN PAUL

ALEXANDER NEVSKY

ANDRZEJ BARTKOWIAK

ARNOLD SCHWAR

BLACK ROSE

BONIFACIO GLOBAL CITY

BROTHERHOOD OF THE WOLF

NEVSKY

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with