Miss U na si Pia binawalang magsalita sa pananabotahe sa kanyang gown

SEEN: Litrato na ng mga ulap ang profile picture ng social media account ni Andrew Wolff. Ang ulap na nais na kunan ng litrato ni Melissa Mendez ang itinuturo na ugat ng kaguluhan sa Cebu Pacific flight noong Biyernes.

SCENE: Hindi makukuha ni Melissa Mendez ang kahit konting awa ng publiko kung patuloy niya na sasabihin na lumaki siya sa hirap at hindi siya makapapayag na yurakan ang kanyang pagkatao. Ayaw ng mga tao sa mga drama na hango sa mga dialogue sa pelikula.

SEEN: Ang balita na posibleng magsampa ng kaso sa Pagadian City si Rey Pamaran, ang lalake na sinampal ni Melissa Mendez. Malaking abala kay Melissa kung totoo na idedemanda siya ni Pamaran sa malayong lugar ng Pagadian City.

SCENE: Ang paalaala sa GABRIELA na marami ang kababaihan na biktima ng pang-aabuso ang higit na nangangailangan ng kanilang tulong. Pinaalalahanan din ang GABRIELA na maging maingat sa pagpili ng mga tao na pagkakalooban nila ng suporta upang hindi makuwestyon ang kanilang motibo at kredibilidad.

SEEN: Maraming mga Pinoy celebrity ang nanood ng two-night concert ng One Direction sa Mall of Asia Arena noong Sabado at Linggo.

SCENE: Ang wagas na pag-iyak ng die-hard Pinoy fans ng One Direction nang makita nila nang personal ang apat na miyembro.

SEEN: Naiinip na ang fans ni Alden Richards dahil hindi pa siya nabibigyan ng bagong teleserye project. Huling napanood si Alden sa Ilustrado na umere lamang ng isang buwan sa telebisyon.

SCENE: Pinakiusapan si Pia Wurtzbach ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na huwag nang magsalita tungkol sa kanyang gown na sinabotahe sa coronation night ng Bb. Pilipinas noong March 15.

Show comments