^

PSN Showbiz

Kaya pala hindi mukhang 59 Edu strict ang diet kahit tatlo ang restaurant!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tamang pagkain, regular exercise, at walang stress na lifestyle ang pina-practice ni Edu Manzano. Kaya naman kahit turning 60 na siya this September, wala sa hitsura niya na puwede na siyang mag-avail ng senior citizen card. At hindi niya inililihim ang totoong edad niya.

“I eat right. I don’t eat rice, I avoid salt and sugar. I eat mostly fruits. I work out. I don’t use expensive creams or lotions but I do see a dermatologist for advice. I avoid stress, which is one reason why I avoided acting for a while. My last soap, Walang Kapalit, was in 2006 yet and my last movie was Tanging Yaman pa. Ayoko noong magdamagang puyatan,”  kuwento ni Edu nang uriratin siya ng ilang kaibigang press sa isang tsikahan last week kung bakit mas nasa condition pa ang hitsura niya kesa sa mga ilang bagets actor na ‘di hamak na mas malaki ang agwat ng edad nila.

‘Yan ay kahit tatlong sosyal na restaurant ang pag-aari ng actor,  kinakaya niya ang strict diet para ma-maintain ang healthy eating habit. Yup, kasama sa pag-aari niya ang Black Sheep restaurant sa Makati, Lucky Rainbow also in Makati and Erwin’s Gastrobar sa City of Dreams.

Ngayon ay enjoy si Edu sa pagbabalik niya sa teleseryeng Bridges of Love sa ABS-CBN. Edu is portraying the role of Lorenzo Antonio, ang mayamang business tycoon na tatay ng character ni Paulo Avelino.

“When they offered the show to me, I immediately liked my cha­racter. He’s a man of mystery whose name is synonymous to power and authority so no one has enough guts to dare oppose him. The only who can come close to him is adoptive son, Paulo as Carlos. Maraming twists na mangyayari sa characters namin but I’m not at a liberty to disclose them. Basta viewers will surely be hooked watching it,” pagbabahagi ni Doods. Aminado rin siyang na-miss din kasi niya ang pag-arte kaya mabilis niyang tinanggap ang Bridges of Love na nag-umpisang ipalabas last week pa.

Lalabas na ang character ni Edu ngayong Lunes ng gabi. “I’m so glad everyone in Bridges of Love is so professional. Lahat, dumarating on time, alam na ang gagawin nila, kaya madali ang trabaho.”

Anyway, everytime na kaharap namin si Edu hindi talaga maiwasang tanungin sa kanya ang nangyari sa Optical Media Board (OMB) na hanggang ngayon ay wala pa ring chairman matapos suspendihin ng Malacañang at Ombudsman ang chairman nitong si Ronnie Ricketts. Matagal-tagal din kasing naging chairman si Edu ng OMB.

Magulo raw ang setup ng OMB sa kasalukuyan. Naging loyal ang maraming staff kay Edu kaya naman updated siya sa mga nangyayari sa nasabing ahensiya ng pamahalaan.

“Magulo. Walang chair or CEO ngayon. I’m really surprised they haven’t appointed a new one. Kaya piracy is running rampant. May sarili na silang building. Nakakuha na sila ng business permit.

“Naaawa lang ako roon sa regular employees ng OMB na naabutan ko pa roon. Lahat sila ngayon, suspendido rin,” pahayag ng actor.

Si Mr. Ricketts naman ay nanatiling tikom ang bibig at kahit kailan ay hindi nagpaliwanag sa isyu ng kasong neglect of duty at order na sampahan sila ng kasong criminal charges for graft and corruption matapos ang imbestigasyon na isoli ang mga umano’y kinumpiska nilang pirated DVDs.

Eh paano kung i-offer sa kanya ang pagiging OMB Chairman? Ayon kay Edu naranasan na niya ang nasabing posisyon at tama na ‘yun. Wala na raw siya uling kainte-interes.

Miss Gay Manila 2015 tuloy na tuloy

Naghahanap ang Viva Live Inc. and MARE Foundation ng mga kandidata para sa gaganaping Miss Gay Manila 2015. Ito ang kauna-unahang Miss Gay Manila.

Ang mga gustong sumali ay dapat 18 to 30  years of age.

Ang grand coronation will be held at the Philippine International Convention Center (PICC) on May 20, 2015.  Ang most energetic, witty, optomistic and confident candidate ang may tsansang manalo na bongga raw ang naghihintay na premyo - P500,000.00 cash for the Grand Winner of Miss Gay Manila 2015, P200,000 for the First Runner-up and P100,000.00 for the Second Runner-up.

Requirements and application forms can be found in www.missgaymanila.com to be submitted at the Manila City Hall from Mondays to Fridays  (9 a.m. to 4 p.m.) or at Viva Communications, Inc. Office, 7F East Tower, Philippine Stock Exchange Center, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City, also during office hours.  Submission period will be from March 23 to April 15, 2015.

BLACK SHEEP

BRIDGES OF LOVE

EAST TOWER

EDU

EDU MANZANO

EXCHANGE ROAD

FIRST RUNNER

MISS GAY MANILA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with