Magpapatulong sa Gabriela sa pambabastos ng pasaherong sinampal, Melissa todo-paliwanag

Si Melissa Mendez ang live guest namin sa 1000th episode kahapon ng Startalk at nagkuwento siya ng kanyang version sa kaguluhan na nangyari sa eroplano na sinakyan niya noong Biyernes.

Humingi si Melissa ng paumanhin sa lahat ng mga pasahero na naabala dahil bumalik sa NAIA ang Pagadian bound airplane at nag-sorry din siya sa kanyang mga anak na naapektuhan ng kontrobersya.

Kinumpirma ni Melissa na humingi siya ng tulong sa GABRIELA at bukas ang meeting nila. Gusto ni Melissa na magkaroon ng katarungan ang diumano’y pambabastos sa kanya ng isang Rey Pamaran na yumurak sa pagkatao niya.

Si Rey ang lalaki na sinampal ni Melissa dahil nilait daw siya sa harap ng mga pasahero ng eroplano.

Naglabas din ng sama ng loob si Melissa sa piloto ng eroplano dahil hindi pinakinggan ang kanyang explanation.

Ang piloto ang nagpasya na ibalik sa NAIA ang eroplano dahil sa isang unruly passenger at si Melissa nga ito.

Andrew biglang hindi na kilala ang anak ni Melissa

Nainterbyu kahapon ng Startalk si Andrew Wolff nang bumalik ito mula sa Pagadian City.

Sinabi ni Andrew na maglalabas siya ng statement tungkol sa kontrobersya na pinagpistahan ng mga tao noong Biyernes.

Masama ang loob ni Melissa kay Andrew dahil itinanggi raw nito na kakilala siya. Kaibigan daw ni Andrew ang kanyang kapatid at ang anak na si Denise Oca.

Instagram friends daw sina Denise at Andrew pero nang mangyari ang airplane incident noong Biyernes, may-I-blocked ni Andrew ang kanyang anak.

Hindi napigilan ni Melissa na mapaiyak habang ipinagtatanggol ang sarili laban sa panghihiya sa kanya ni Pamaran.

Kumunsulta na rin sa abogado, Melissa desedido na mabigyang hustisya ang pambabastos daw sa kanya

Hindi malinaw kung sasampahan ng kaso ng Cebu Pacific si Melissa dahil wala itong nabanggit.

Basta ang sabi niya, nagtaka ang airport authorities dahil siya lang ang pinababa mula sa eroplano at walang complainant.

Seryoso si Melissa na mabigyan ng hustisya ang kanyang stressful na karanasan. Bukod sa GABRIELA, kumukunsulta na rin siya sa abogado para sa reklamo na isasampa niya laban kay Pamaran.

Ayon sa nasampal Melissa mabaho raw talaga ang hininga

Si Pamaran ang unang nagsabi na sasampahan niya ng mga kaso si Melissa.

At dahil walang interbyu kay Pamaran ang Startalk, ibabahagi ko sa PSN (Pilipino Star Ngayon) readers ang panig na inilabas niya sa kanyang Facebook account.

“A very funny/ degrading/ disgusting incident happened during my Manila-Pagadian flight today. Upon getting to my reserved plane seat 1A, actress Melissa Mendes was seated there.

“She was politely asked to transfer to row 2 because the seat was already reserved.
“She immediately flared up and caused a big scene, shouting invectives at me and cursing me left and right.

“She was finally restrained and was made to sit to her assigned seat behind me, her female companion assuring everyone that she will be calm.”

“Midway thru the flight, she got up again and started shouting at me, she was reeking with alcohol and had very bad breath.

“I told her to calm down, get some mouthwash then we can talk.

“It is here that she suddenly punched me in the face. I admit I was this close to hitting her back but my good senses came into play.

“The captain made an announcement that we need to return to Manila due to one unruly passenger.

“As we landed Manila, she was then escorted out of the airplane and into a waiting bus, with about 20 security personnel.

“According to Philippine law for grounds for unacceptable behaviour on board aircraft (disorderly conduct), she will be fined no less than 500k pesos and could be imprisoned for up to 3 years.

“I am seriously filing several cases against her too. I usually avoid things like this, but this is just way below the belt. I am now back safely in Pagadian, and I guess her antics just caused me more work and meetings ahead.”

Show comments