^

PSN Showbiz

Nag-camp out na sa airport 1D Pinoy fans nakalutang sa sobrang tagal nang ipinaghintay; Melissa napahamak dahil sa mabahong hininga

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Deleted na sa social media account ni Andrew Wolff ang mga video ng pagpapababa sa eroplano kay Melissa Mendez dahil sa pagwawala nito noong Biyernes. Useless ang pagbubura ni Wolff sa mga video dahil nakopya na ito at ginamit sa mga television newscast.

SCENE: Mga komento ng paninira kay Andrew Wolff at pagtatanggol kay Melissa Mendez ang mga mababasa sa social media account ng huli na pinagbintangan na lasing nang sumakay sa Cebu Pacific flight noong Biyernes.

SEEN: May katwiran si Melissa Mendez na magalit kay Rey Pamaran, ang lalaki na sinaktan niya dahil sinabihan siya na mabaho ang kanyang hininga. Bad breath ang unang impression ng mga tao kay Melissa sa mga TV interview sa kanya.

SCENE: Kailangan ng mga breath analyzer sa mga eroplano para matukoy ng airline personnel kung lasing o hindi ang kanilang mga pasahero. Kung may breath analyzer sa flight na sinakyan ni Melissa Mendez, madaling malalaman ng mga flight attendant kung totoo ang kanyang claim na hindi siya nakainom nang mangyari ang insidente.

SEEN: Nag-camp out at nagpuyat sa NAIA ang Filipino fans na inabangan ang pagdating kahapon ng One Direction. Ipinamalas ng One Direction fans ang kahibangan nila sa sikat na boy band.

SCENE: Matagal ang ipinaghintay ng Filipino fans sa One Direction dahil hapon na sila nang dumating kahapon para sa unang gabi ng kanilang concert sa Mall of Asia Arena. Sakay ng private plane ang One Direction nang dumating sila sa Maynila.

SEEN: Hindi na-edit sa Friday episode ng Akyon sa Umaga ang ipinalabas na video mula sa isang eksena ng Pulp Fiction na nagpakita kay Samuel Jackson na nagmumura. Ikinagulat ng mga host na sina Grace Lee, Martin Andanar at Lourd De Veyra ang video clip at ang malutong na pagsasabi ni Jackson ng “mother fucker”.

SCENE: Hindi sinabi ni Janet Napoles ang katotohanan nang i-deny niya na naririto sa bansa ang kanyang anak na si Jeane. Kinumpirma ng Bureau of Immigration na dumating si Jeane sa Pilipinas na kontra sa pahayag ni Napoles na hindi pa dumarating sa bansa ang kanyang anak.

ANDREW WOLFF

BIYERNES

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU PACIFIC

GRACE LEE

JANET NAPOLES

MELISSA MENDEZ

ONE DIRECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with