Pinay na dalawang beses nanalo ng lotto sa Brunei nasa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (March 21) sa Magpakailanman, alamin ang kuwento ni Kathelyn Dupaya, isang babae na sinuwerte sa Brunei. 

Lumalaki pa lang si Kathelyn, naisip na niyang mapalad siyang babae. Dahil itinapon man siya ng kanyang tunay na ina, nahanap naman siya ng kan­yang kinilalang lola: ang mabait at mapagmahal na si Inez. At hindi man siya kaanu-ano ng matanda, minahal at pinalaki pa rin siya nito na parang tunay na apo. 

Dahil sa pagmamalasakit na ipinaramdam ni Lola Inez kay Kathelyn, hindi nagdalawang-isip ang babae na suklian ang kabutihang ikinaloob sa kanya ng kinalakihang lola. Nag-abroad si Kathelyn para magtrabaho at nagsipag para siya naman ang bumuhay kay Lola Inez. 

Hindi naisip ni Kathelyn na sa kanyang paglipad papuntang Brunei, magbabago ang lahat para sa kanila ni Lola Inez.

Sa simula ay maliliit na kasuwertehan lang ang natatamo ni Kathelyn—sa kanyang pagkakapanalo sa mga company raffles. Ngunit nang mapansin niyang sunud-sunod na ang kanyang suwerte, sinubukan niya ring tumaya sa isang lotto, kung saan nanalo siya not just one, but twice.

Subalit sa pagdating ng suwerte sa kanyang buhay, may matutuklasan naman siya tungkol sa kaniyang nakaraan: buhay pa ang kanyang ina. Hindi man niya alam kung nasaan ito, Kathelyn realizes na may pera na siya na para ipahanap ang babae.

Nahanap ba ni Kathelyn ang kaniyang ina? Mabubuo ba niya ang kanyang pagkatao at pamilya matapos ng napakahabang panahon? 

Itinatampok sa episode na Ang Masuwerteng Pinay sa Brunei sina Tessie Tomas, Gary Estrada, Carmi Martin, Bebong Osorio, and Ms. Sheryl Cruz as Kathelyn Dupaya. Kasama rin sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales, with the special participation of Kathelyn’s own children:  Marlyn Kaye Dupaya, Micole Dupaya, Mikee Dupaya, Mike Dupaya, and Maria Kristina Dupaya. 

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palagpasin ang kuwento ni Kathelyn Dupaya nga­yong Sabado (March 21) sa espesyal na episode ng Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

Show comments