Angel napi-pressure nang mabuntis?!
I’m sure malaking pressure para kay Angel Locsin kapag nagsasabi si Gov. Vilma Santos, ina ng boyfriend niyang si Luis Manzano na gusto na nitong magka-apo. Kanino ba niya ito ipinatatama, hindi naman siguro sa nakababatang kapatid ni Luis na si Ryan Christian na bata pa para mag-asawa, kundi sa kanilang dalawa ni Luis. Eh, paano ba niya mapagbibigyan ang biyenan niyang hilaw kung wala pang pagyaya na nagmumula kay Luis para sa kanilang pagpapakasal?
Pangalan ni Rita hindi na matandaan
Mukhang malilito na pati followers ng dating si Rita Iringan na naging Rita de Guzman at ngayo’y Rita Daniela na? Pero wala tayong magagawa dahil sa ganda ng boses niya’t galing umarte ay baka nababagalan siya sa napakakupad na pag-usad ng career niya na baka isinisisi niya sa kanyang pangalan, kaya choose na naman siya ng bagong surname.
Sana nga mag-stick na siya sa Rita Daniela. At sana rin umusad na rin ng mabilis ang karera niya, Magaling naman siya, eh.
Kris dapat mag-effort sa akting para makasabay kay Claudine
Uy, magkakasama pala sa isang proyekto sina Kris Aquino at Claudine Barretto. Wala kayang gulong mangyari? Eh balita sa kanilang kamalditahan ang dalawa.
Pero bago ang kanilang mga magiging personal differences, dapat mag-brush up ng acting niya si Kris dahil noted din sa kanyang kagalingang umarte ang bunso sa mga Barretto sisters. Talagang panonoorin ang Etiquette for Mistresses if only for the presence of the two personalities.
- Latest