Guilty sa forum shopping Raymart pinagmumulta ng P30-K
PIK: Hindi na Sarap Diva ang pagkakaabalahan ngayon ni Regine Velasquez dahil magsisimula na siya sa bagong drama series na gagawin niya.
Sa Lunes na ang story conference nito kung saan makakasama niya sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Pero sa ngayon ay nag-iipon muna ang Songbird ng ilang episodes niya sa Sarap Diva, at ang special guests niya ngayong umaga ay ang magkasintahang Elmo Magalona at Janine Gutierrez kasama ang kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.
PAK: As of presstime hinihintay ang ilalabas ni Melissa Mendez na public apology kaugnay sa pagwawala niya sa Cebu Pacific habang papunta sila ng Pagadian City na lasing.
Mabilis na kumalat ang video ni Melissa nang pinababa na siya ng eroplano dahil bumalik na lang ito ng Maynila dahil sa pagwawala niya at pagsuntok sa isang flight attendant at sa isang pasahero.
Si Andrew Wolff ang naglabas ng video na iyun sa kanyang Instagram account dahil ang kaibigan niya ang isa nasuntok ng aktres na inagawan niya ng upuan.
BOOM: Kailangan ni Raymart Santiago na magmulta ng thirty thousand pesos dahil sa napatunayan ng korte na guilty siya sa “forum shopping” na may kaugnayan sa Habeas Corpus na dinidinig pa rin naman sa Marikina-RTC. Wala pang sagot si Raymart kaugnay dito, pero ang sabi naman ni Atty. Ruth Castelo, legal counsel ng aktor, wala pa raw silang natatanggap na decision kaya wala pa silang masasabi sa ngayon. Kung sakali, baka mag-file daw sila ng Motion for Reconsideration kapag natatanggap na nila ang order mula sa korte.
Saad pa ni Atty. Castelo; “Sabi ng korte guilty daw si Raymart sa forum shopping or seeking relief from two courts nang mag-file siya ng Habeas Corpus para makita niya ang mga bata habang may custody na si Claudine (Barretto) filed with Branch192.
“We’re filing a motion for reconsideration so that the court will consider the facts of the case as they happened.”
- Latest