Juday umatras Kris at Claudine bibida sa pelikulang tungkol sa mga kabit

Kundi magkakaroon ng pagbabago, si Kris Aquino at hindi na si Judy Ann Santos ang kasama ni Claudine Barretto sa movie adaptation ng controversial book ni Julie Yap-Daza na Etiquette for Mistresses. Unang nasulat na magsasama sina Judy Ann at Claudine sa pelikula, pero hindi natuloy si Judy Ann at kay Kris in-offer ang project.

Ang Star Cinema ang producer ng Etiquette for Mistresses and to be directed by Chito Roño. Ang dinig namin, okay kay Kris ang project at okey din sa kanya kung sa ending ay mag-isa siya, may request lang ito na siguro naman ibibigay sa kanya ng Star Cinema. Wala pang balita kung kailan ang shooting ng movie.

 Alyanna bumuwelta sa mga nakikialam sa problema ng kanilang pamilya

Matagal ang preparasyon ni Albert Martinez para sa pelikulang Ang Sugo, may immersion siya at nag-research sa buhay ni Felix Y. Manalo, founder ng Iglesia ni Cristo na kanya sanang gagampanan.

Pero nang i-suggest ng kanyang management na kailangan niyang i-give up ang pelikula noong last time dinala sa hospital si Liezl Martinez, sumunod si Albert. Hindi raw kaya ng aktor physically and emotionally ang mag-shooting habang nasa hospital ang asawa.

Habang tinatapos ang column na ito, wala pang statement ang INC kung may ipapalit kay Albert o kung si Dennis Trillo na lang ang gaganap sa young and old Felix Manalo. Inisip na lang ng kampo ni Albert na hindi para sa kanya ang malaking project.

After Holy Week na raw babalik sa trabaho si Albert. At sa ngayon, kasama ang mga anak, pamilya at close friends, pinipilit nilang maka-move on sa pagpanaw ni Liezl. Hindi lang maiwasan ng aktor na maiyak pa tuwing napag-uusapan ang asawa na sobrang nami-miss na niya.

Samantala, sinagot ni Alyanna Martinez, panganay nina Albert at Liezl ang isa niyang follower na parang minamadali at tinuturuan silang makipagbati sa taong may isyu sa kanilang pamilya. Walang binabanggit na pangalan si Al­yanna, kaya ‘wag na rin tayong magbanggit ng pangalan.

Sagot ni Alyanna: “Rest assured we obviously have our reasons because all you specta­tors know and see are what is presented to you in the media. There are ob­viously deeper emotional wounds and scars we would rather not discuss publicly. So I would appreciate it if well meaning people stopped telling us what to do and what is right because we obviously know and have our own personal reasons.”

Jennylyn magiging judge sa StarStruck

May lumulutang nang kasunod na show si Jennylyn Mercado ‘pag natapos ang Second Chances. (Yup, magiging judge siya sa bagong edition ng Starstruck with Joey de Leon and Regine Velasquez. - SVA) May new movie rin daw ang aktres, pero wala pang detalye kung ano at kung sino ang leading man niya rito.

Pansamantala, sa Second Chances muna siya mapapanood ng kanyang fans at natutuwa ang may gusto sa team up nila ni Raymart Santiago dahil marami na uli silang eksena.

Direk Tonette gustong masulit ang P200 sa Boss...

Simple lang ang gusto ni director Antoinette Jadaone sa latest movie niya under Star Cinema na You’re My Boss. Gusto lang nito na worthy ang P200 na ibabayad sa sinehan ng moviegoers at lalabas ng sinehan ang mga ito nang nakangiti. Sa napanood naming trailer, mukhang matutupad ang gusto ni Direk Tonette.

Pressured, but thankful si Direk Tonette sa nalalapit na showing ng pelikula nina Coco Martin at Toni Gonzaga. Thankful at grateful naman ito sa chance na ibinigay ng Star Cinema na muling makapagdirek ng mainstream movie dahil galing siya sa indie.

Show comments