Wala ka bang napapansin, Salve A. na mga babae ang head ng news and current affairs ng tatlong major TV networks, ang ABS-CBN, GMA at TV5 na sina Ging Reyes, Marissa Flores at Luchi Cruz-Valdez? Mga babae rin ang majority heads ng iba’t ibang TV entertainment productions.
In an intimate lunch with the people behind the force ng News5 na pinamumunuan mismo ng multi-awarded broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdez kasama ang News5 Head of Operations na si DJ Sta. Ana (mister ni Karen Davila), Patrick Paez (head of production), Roby Alampay (Inter-Aksyon.com Editor-in-Chief), Twink Macaraeg (News5 anchor) at Ed Lingao (News5 anchor), tinanong namin si Luchi kung paano pamunuan ang majority-male dominated news and current affairs division ng TV5 considering na hindi rin mga basta-basta ang kanyang mga nasasakupan.
Ayon kay Luchi, hindi lamang siya team leader kundi isa rin siyang team player at maganda ang kanyang working relationship with her group at hinahayaan niyang mag-shine ang mga ito on their own lalupa’t may kani-kanyang credentials bago pa man sila napasama sa pool ng News5.
Bukod sa pamumuno ng News5, si Luchi ang main anchor ng TV5’s flagship weekday primetime newscast, Aksyon at siya rin ang host ng award-winning public affairs show na Reaksyon at labas pa ito sa kanyang radio program sa 92.3 NewsFM, ang Relasyon na nagtatalakay sa personal at family relations.
Luchi joined TV5 news department in 2009 at hindi na rin halos mabilang ang mga parangal na kanyang natanggap mula noon hanggang ngayon at kasama na rito ang Best News Program for Aksyon which she co-anchors with Erwin Tulfo, Best Female News Program Anchor, Best Public Affairs Program for Reaksyon, Most Outstanding Broadcaster at maraming iba pa. Isa rin si Luchi sa nagawaran ng Titus Brandsma Award for Excellence in Broadcast Journalism, ang pinakamataas na distinction na iginawad ng Vatican-endorsed Catholic Mass Media Awards.