AiAi handa na sa pagiging Kapuso
Formality na lang at tuluyan nang lalayas si AiAi delas Alas sa ABS-CBN para masimulan na niya ang Let the Love Begin na magsisilbing launching ng tambalang Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa GMA-7. Kaya naman pala walang pag-aalala na mababakas sa mukha ng komedyante dahil may bago na siyang “bahay” at trabaho.
Bagaman at tulad ng huling movie niya sa Star Cinema na Past Tense na sina Kim Chiu at Xian Lim ang mga totoong bida, dapat na siguro siyang makuntento sa mother roles kaysa ang mag-bida. Ang mahalaga, marami siyang projects.
Zanjoe mas gusto talaga ang father roles
Kung ang maraming showbiz bachelors ay hanap ang pagiging matinee idols, si Zanjoe Marudo ay kuntento na sa pagtanggap ng father roles na feel na feel niya. Hindi naman ibig sabihin ay nagigiliw na siyang maging ama sa tunay na buhay. Katunayan, siya mismo ang naglalagay ng panahon para mapaghandaan niya ang pagiging isang tunay na ama. At gusto niyang mangyari ito mga limang taon pa mula ngayon. “Para handang-handa na ako sa lahat ng responsibilidad na maaatang sa aking balikat,” anang guwapong aktor na ang seryeng Dream Dad ay lumalaban sa pataasan ng rating ngayon.
Kasal nina Toni at Direk Paul wala pang petsa
Hindi pa pala sa June 12 ang kasal ni Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano. Sinabi niya ito sa media sa presscon ng You’re My Boss. Ayaw rin niyang pag-usapan dahil baka magka-conflict pa sa promo ng pelikula nila ni Coco Martin.
Ganun?! Hindi ba niya alam na mas makakatulong pang mapalakas ang huling movie niya bago siya mag-asawa kung nagbigay na siyang ng petsa at ‘yung detalye ay saka na lang?
- Latest