MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng maraming Kapuso stars ang pagsali ni Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas 2015. Paano ba naman, pasok na pasok sa banga ang mga katangian nito sa pagiging isang beauty queen – maganda, matalino at talentado.
Simula noong nagkumpirma ang Kapuso actress sa pagsali sa pageant, todo-todo na ang suportang ibinigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, lalo ng mga kasama niya sa Sunday variety show ng GMA na Sunday All Stars (SAS).
Ikinampanya siya ng mga Kapuso artists sa mga social networking sites at ang ilan pa nga ay pumunta pa sa mismong coronation night ng beauty pageant. Ilan sa mga Kapuso stars na dumalo ay sina Mark Herras, Aicelle Santos, Frencheska Farr, Maricris Garcia, Mayton Eugenio, Rodjun Cruz, Enzo Pineda, Kris Lawrence at Rocco Nacino.
Hindi man siya nanalo, nagpahayag naman ng pasasalamat si Winwyn gamit ang kanyang Twitter account.