^

PSN Showbiz

Julia at Iñigo binigyan na ng sariling serye!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Nagkaroon ng story conference at media announcement kahapon ang ABS-CBN at Dreamscape (na pinamumunuan ni Deo Endrinal) sa pi­na­kabago nilang teleserye na And I Love You So (My Stepsister) na pagbibidahan nina Julia Barretto, Miles Ocampo at Iñigo Pascual.

Kasama rin sa nasabing teleserye sina Angel A­qui­­no, Raymond Bagatsing (na pinalitan si Cong. Alfred Vargas dahil ayon sa manager nilang si Lolit Solis, may conflict sa schedules ang alaga niyang actor/politician), Dimples Romana, Dante Ri­vero, Bing Loyzaga, Luke Jickain, at ang nagbabalik-Kapamil­ya network na si Jay Manalo.

Sa title pa lang, obvious na parehong bida sa teleseryeng ‘yon sina Julia at Miles.

Annabelle aktibo na uli sa mga alaga

Nasa And I Love You So (My Stepsister) story confe­rence at media announ­cement si Annabelle Rama dahil siya ang manager ni Jay.

Sabi ni Bisaya, abala na naman siya sa ka­liwa’t kanang meetings para may proyekto ang kanyang mga talent.

Wala raw katotohanan na hindi na siya active sa pagma-manage ng talents dahil reality TV star na siya sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ng kanilang pamilya na ma­pa­panood pa rin sa E! Asia na malapit na ang third season.

“Time management lang naman ‘yan, kahit may taping ako, ako pa rin ang personal na namamahala sa talents ko. Ako pa rin ang nakikipag-usap para sa projects nila,” pa­hayag ni Bisaya.

Samantala, hindi na nagulat si Bisaya na si Ruffa Gutierrez mismo ang nagbuking sa Cosmo Skin event sa SM MOA ng tungkol sa naging away na naman nilang mag-ina.

Alam ni Bisaya na idadaldal ‘yon ni Ruffa sa entertainment press dahil bati na nga silang da­lawa.

Noong panahon na may “word war” ang mag-ina, tahimik lang si Ruffa at walang sinabihan na may away sila ni Bisaya.

Arnell ayaw iasa ang buhay sa showbiz

Ayaw ng comedian/TV host na si Arnell Ignacio na sa showbiz lang umasa pagdating sa pangkabuhayan.

Kahit may show naman siya sa TV5, panay pa rin ang kayod niya dahil hindi pa natitinag ang Crea­tive Hair System Institution niya sa may Greenhills. Wigs na gawa sa human hair ang ginagawa nila at meron din siyang stall na nagbebenta ng siomai.

May build and sell business din siya na ang u­nang bahay na ginawa ng kanyang kompanya ay ma­­ta­tapos na sa may Greenwoods. Ibinebenta niya ito ng 12 million pesos.

Isa nga pala si Arnell sa mga bading na nag-asawa, pero nauwi sa hiwalayan ang relasyon. Biniya­yaan sila ng isang anak na babae.

Dalaga na raw si Sofia at nagda-drive na ito.

“Eighteen years na at ipinagda-drive pa nga ako minsan. Napakabait na bata. Inspired ako to work dahil sa anak ko,” sey pa ni Arnell na ipinaalala sa akin na Solved na Solved ang title ng show niya sa Kapatid network.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANGEL A

ANNABELLE RAMA

ARNELL

ARNELL IGNACIO

BING LOYZAGA

BISAYA

MY STEPSISTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with