Ang dami-dami nang problema si P-Noy, dumagdag pa ang walang kakuwenta-kuwentang isyu na ibinibintang sa kanyang nakialam siya sa resulta sa nakaraang Bb. Pilipinas pageant na kung saan ay nanalo ang tatlong beses nang sumasali sa pageant pero hindi manalu-nalo dahil girlfriend daw siya ng pangulo ng bansa? Pati ba naman dun nasasabit si P-Noy eh ilabas muna niya ang sarili niya sa napakaraming isyu na ibinibintang sa kanya.
Ang kaibigan kong si Veronica Samio ay hindi maipagtanggol sa mga kritiko dahil siguro narealize na niyang mali nga ang iniidolo niya. At hindi ito ang tipo ng nagpapakumbaba at umaamin sa mga kasalanan niya.
Ngayon, pinagbibintangan siyang nangingialam pati sa isang napaka-hindi niya dapat pakialamang beauty contest na ang nanalong Bb. Pilipinas-Universe ay isang Kapamilya na si Pia Alonzo Wurztbach na umano’y girlfriend niya. Nakita kasi silang kumakain na magkasama at agad sinabi nang may relasyon sila.
Malayo naman sigurong may katotohanan ang balita. Dahil kung may relasyon nga sila, eh hindi naman siguro ito puwedeng ilihim.
Toni walang K mang-okray
‘Yung isyu kay Toni Gonzaga bilang host ay hindi naman masasabing isyu kung ginawa niya ito during breaks. Ang mas importante ay ang mga pinagsasabi niya habang ongoing ang pageant. Nang-okray siya ng mga kandidata at maging ng judges. Out of place ‘yun at nagpapamukha ng kawalan ng paggalang. She was there just to host. Period. I’m sure pinuna siya ng mga organizers afterwards.