Alam mo, Salve A., nakakatuwang panoorin ang Asia’s Got Talent on AXN and Sony Channel dahil bukod sa Pinoy pride ang hosts ng programa na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, tatlong Filipino contestants ang kalahok sa premiere telecast ng programa. Tumatayong judges dito ang Grammy award winner, composer, musician, singer-arranger at record producer na si David Foster, ang dating miyembro ng Spice Girls na si Melanie C, ang Indonesian rock star na si Anggun at ang Taiwanese-American pop idol na si Van Ness Wu.
Dalawa sa tatlong Filipino contestants ang nakakuha ng “four yes” mula sa mga hurado, ang all-male dance group na Junior New System at ang 10-year-old na si Gwyneth Dorado.
Iba’t ibang contestants na nagmula sa iba’t ibang bansa ng Asya tulad ng Japan, Korea, Thailand, China, Indonesia, at Malaysia ang naglaban-laban.
Sa totoo lang, napakalakas ng laban ng Pilipinas kumpara sa ibang participants na nagmula sa ibang bansa ng Asya. Ang setback lamang marahil ay ang pamasahe at accommodation patungong Singapore kung saan ginaganap ang lingguhang Asia’s Got Talent. Mas marami pa kasi tayong mahuhusay na talent na puwedeng makipag-compete sa nasabing patimpalak kung mabibigyan lamang sila ng chance.
‘Di ka-level nina Sharon at Gary V. Jed hindi raw bagay sa Your Face...
Marami ang nagsasabi na tila off umano si Jed Madela bilang isa sa mga hurado ng ongoing Your Face Sounds Familiar kung saan kasama niya ang balik-Kapamilya, ang Megastar na si Sharon Cuneta at si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
Hindi umano ka-level ni Jed sina Sharon at Gary V. para maging hurado ng nakakaaliw na Your Face Sounds Familiar hosted by Billy Crawford.
Miriam isiniwalat ang dating buhay sa libro
Nakatanggap kami ng invitation mula sa dating Miss Universe 1st-runner-up-turned actress-TV host na si Miriam Quiambao-Roberto na may kinalaman sa special book launching at book-signing ng kanyang isinulat na libro na He Can Catch You When You Fall: The Continuing Life Story of Miriam Quiambao na gaganapin sa National Book Store sa Glorietta 1 in Makati City on March 21 (Sabado) sa ganap na alas-4 ng hapon.
Ang libro ay naglalaman ng mga personal na karanasan ni Miriam sa buhay – sa kanyang mga unwise decisions, depression at kung paano siya nagsimulang muli.
Si Miriam ay hiwalay na sa kanyang unang mister, ang Italian businessman na si Claudio Rondinelli. Tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama matapos silang magpakasal noong 2004. Last year ay muling nag-asawa at ikinasal si Miriam sa biyudong negosyante na si Eduardo Roberto.