MANILA, Philippines – Confirmed na may pag-uusap na magaganap sa pagitan ng GMA 7 at AiAi delas Alas. Ayon kay Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV, meron role na nakalaan kay AiAi sa launching serye nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na Let The Love Begin pero wala pang formal negotiation. “Kasi ‘di ba galing siya sa abroad. Nagugulat nga kami kung saan nanggagaling ‘yung tapos na ang pag-uusap,” sabi ni Madam Lilybeth nang humarap sa ilang entertainment editors kasama ang ibang executives ng GMA.
Pero wala pang ibinibigay na detalye ang mga bossing ng GMA kung per project or network contract ang ilalatag nila sa komedyana. Basta ang isang sigurado, maganda ang role ni AiAi sa sisimulang serye, isa sa second quarter offering ng network.
Wala namang maibigay na info ang mga bossing ng GMA sa sinasabing show ni Willie Revillame sa kanila. Ang top management daw ang nakakaalam dahil hindi nila hawak ang mga block timer nilang programa like Eat Bulaga and Maynila. So kahit anong tanong sa kanila, wala silang maibigay na details sa kumakalat na balitang kumpirmado ang pagbabalik ng komedyante sa television via GMA 7.
Eh si Maricel Soriano, wala ba silang naka-line up na project? After daw kasi ng Ang Dalawang Mrs. Real, sinabi ng aktres na gusto niyang mamahinga. So ito pala ang rason kaya wala siyang TV show sa kasalukuyan.
Maging ang tungkol sa paglipat ni Megan Young sa kanila para i-remake ang Marimar ay hindi pa nako-confirm ng mga bossing ng GMA. May isang taong kontrata pa raw kasi si Megan sa Miss World kaya hindi pa nila alam kung ano ang magiging kapalaran ng dating Miss World.
Kinumpirma rin ng isa sa mga bossing ng GMA na naliligalig ang boxing champ na si Manny Pacquiao dahil inoperan ng ABS-CBN si Floyd Mayweather Jr. para eere ang laban nila. Pero tanging si Pacquiao daw ang may say kung saan ipalalabas ang laban nila at mismong ang promoter na si Bob Arum ang kausap ni Pacman. Ang Solar Channel naman daw ang kinakausap ni Pacman kaya tuloy ang pag-uusap ng GMA, Pacman at Solar. May contract si Pacman sa Kapuso Network.
Samantala, tanggap na tanggap ng mga bossing ng GMA ang naging kapalaran ni Winwyn Marquez sa Binibining Pilipinas. Ganun naman daw talaga ang beauty pageant hindi mo alam kung anong nasa utak ng mga hurado. “Ganyan naman pag contest. But I think she did her best,” pahayag ni Ms. Gigi Santiago-Lara, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions. Ikinokonek ang pagiging Kapuso ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa network war porke sa ABS-CBN ang ka-tie up ng Binibini. Magpapahinga raw muna si Winwyn bago uli ito sumabak sa trabaho, dagdag ni Ms. Gigi.
Sa kaso naman ni Aljur Abrenica, tuloy daw ang kaso ayon kay Madam Lilybeth. Pero ito araw ang tumatawag na gusto na niyang magtrabaho kaya napapanood ito sa Sunday All Star ayon kay Ms. Marivin Arayata, Vice President for Comedy/Infotainment/Showbiz Talk/Game & Musical Variety Productions.
Sa kanilang third quarter line up na raw kasama ang mga programa nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo kaya ‘wag mainip ang naghihintay sa kanila ayon naman kay Ms. Redgie Acuna-Magno, Vice President for Drama Productions.
Ang iba pang humarap kahapon sa isang round table tsikahan ay sina Ms. Darling de Jesus, Assistant Vice President for Talk/Magazines/Musical/Reality Productions and TV Specials, Ms. Janine Piad Nacar, Assistant Vice President for Comedy/Infotainment/Showbiz Talk/Game & Musical Variety Productions and Cherl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Productions.
Amalia Fuentes wala raw kasing social media accounts kaya ‘di nakasali sa special tribute kay Liezl
Mag-alburuto pa kaya si Amalia Fuentes, nanay ng namayapang aktres na si Liezl Martinez na asawa ni Albert pag nalaman niyang kaya wala siya sa video presentation at special tribute habang kini-cremate si Liezl ay dahil kinuha lang lahat ng material sa social media? At ang host daw sa nasabing programa, host ng Arlington.
Ayon sa paliwanag ng source na itago na lang natin sa pangalang Aling D., kinompile lang ng nasabing funeral house ang mga naka-post sa Facebook, Twitter at Instagram ng mga kapamilya at kaibigan ng namayapa. “Siyempre wala namang social media accounts si Amalia at Romeo Vasquez (tatay ni Liezl) kaya hindi sila kasama sa mga nabanggit sa special presentation/program sa crematory place,” kuwento ni Aling D.
“Kung siguro nag-post sila sa social media, baka na-mention ang name niya,” dagdag ni Aling D.
Maraming naiyak sa mga pahayag ni Ms. Amalia na kumalat sa social media nang hindi man lang daw mabanggit ang pangalan niya sa nasabing seremonyas habang kini-cremate ang anak.
Bukod pa ito sa unang nagliliyab na galit ni Ms. Amalia dahil hindi niya raw alam na wala na sa Heritage Park ang katawan ni Liezl at dinala sa Arlington. Ang pahayag ng isa pang source, si Arlene Muhlach naka-assign ang pagsasabi kay Amalia. Ang duda ng ilan baka nalimutan ng beteranang aktres na nabanggit na sa kanya na dadalhin ito sa Arlington.
Pabalik-balik din daw kasi sa hospital ang dating aktres dahil tumataas ang sugar at blood pressure nito. Kaya madalas itong umaalis kahit doon sa wake.
Isa pang kuwento ni Aling D. wala raw kasing masyadong makalapit kay Amalia dahil takot daw ang mga ito kahit mga pamangkin.
Anyway, para sa kaalaman daw ni Amalia, nasa Heritage na raw ang mga abo ni Ms. Liezl.
Isang source naman ang nagkuwento na nasa shooting pala ng Sugo sa Laguna si Albert nang makarating sa kanya ang balitang isinugod si Liezl sa hospital at masama na ang lagay.
Pero ngayon daw ay tuluyan nang ginive up ng aktor ang pelikula. At ang balita, si Dennis Trillo na rin ang magpo-portray ng sa character na iniwan ni Albert. Eh dapat daw ay si Dennis ang younger version ng character ng INC leader na si Felix Manalo.
Toni hindi ka-level nina Anne at KC sa pagiging classy
Imbes na mapansin ang mga bonggang sinuot ni Toni Gonzaga sa nakaraang coronation night ng Binibining Pilipinas, ang tungkol sa ka-jologan niya sa pagho-host ang pinagpiyestahan.
Grabe ang mahal pa naman ng tatlong gown na ginamit niya na gawa ni Michael Cinco, tapos mas napansin ang ginawa niyang pamumuna sa ibang contestant.
Nawalan kasi ang classy ang Binibining Pilipinas dahil parang nasa comedy bar ang pagpapatawa niya.
Walang-wala nga naman siya sinabi sa pagiging classy nina Anne Curtis at KC Concepcion.