Kapamilya network, 2nd runner-up Company of the Year

MANILA, Philippines – Big winner ang ABS-CBN Corporation sa ginanap na 13th Philippine Quill Awards, kung saan humakot ito 20 na tropeyo, ang pinakamaraming parangal sa mga TV network. Tinanghal ang Kapamilya network na 2nd runner-up bilang Company of the Year sa taunang paggawad ng pagkilala sa mga pinakamahuhusay na communication programs sa bansa.

Tatlong tropeyo naman sa iba’t ibang kategorya ang kapwa naiuwi ng Tulong Na, Tabang na, Tayo na at hit Facebook app na Pinoy Big Brother All In Online Bahay ni Kuya.

Panalo naman ng tig-iisang Philippine Quill Award ang Yolanda projects ng ABS-CBNmobile at SKY Cable Corporation, Mga Kwento ng Kasiyahan: The ABS-CBN Grand Kapamilya Weekend, 60 Years: Kwento Natin Ito, RED Alert 2014 ng DZMM, PasaHero commuter safety app, ABS-CBNmobile Facebook page, Pamilya OnGuard, 2013 Christmas Station ID, Heartthrobs on 30 ng ABS-CBN Intranet site na e-Frequency, 2013 Annual Report, Spotlight Series: The Music of Ryan Cayabyab ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at Pamilya Ko, Buhay Ko campaign ng ABS-CBN Global Ltd. at myREMIT.

Ang taunang Philippine Quill Awards ay ibinibigay ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines bilang pagpupugay sa mga pinakamahuhusay na communications programs at tools sa bansa. Ito ang itinuturing na pinakaprestiyosong parangal sa larangan ng business communications programs.

Show comments