Mel Tiangco nagpatali na forever sa GMA

MANILA, Philippines – Nananatiling Kapuso ang GMA News pillar at multi-awarded news anchor na si Mel Tiangco matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa ilalim ng GMA Network noong March 9.

Pinangunahan ang contract signing nina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., EVP and CFO Felipe S. Yalong, at SVP for News and Public Affairs Marissa L. Flores.

Noong 1996 unang naging bahagi ng Kapuso Network ang beteranong brodkaster. “The day I entered GMA, I knew it was going to be my home forever,” sabi niya.

Bukod sa kaniyang paghahatid ng balita sa flagship newscast ng GMA na 24 Oras at pagho-host ng award-winning drama anthology na Magpakailanman, tumatayo rin si Tiangco bilang EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation, ang socio-civic arm ng GMA Network.

Lubos ang pagpapahalaga ng top management ng GMA sa mga kontribusyon ni Tiangco. Ayon kay Gozon, “Napakaganda ng aming experience, not only with each other but also with the Network, so that it has come to the point na mahirap nang isipin na may GMA without Tita Mel.”

Bukod dito, pinuri rin ni Duavit ang kredibilidad at dedikasyon niya sa serbisyong totoo.

“Madalang makatagpo ng isang tao na lahat halos nasa kanya na. Sa madaling salita, isang tao kung saan napapaloob ang lahat ng ibig nating sabihin sa serbis­yong totoo. Mapalad tayo na si Mel ay bahagi ng Kapuso and we are proud to be Kapuso dahil sa mga katulad ni Mel,” sabi niya.

“Tita Mel has been instrumental in cementing GMA News and Public Affairs’ reputation as the most cre­dible news organization in the country. We look forward to more years of working with her,” ayon naman kay Flores.  Patunay ito ng patuloy na pagpapakita ni Mel Tiangco ng pagiging isang Kapuso sa kabuuan ng kaniyang paglilingkod sa GMA. “To say that I love this company is an understatement. I have served it with all my heart and with all my soul and I will continue to do so,” ibinahagi niya.

Show comments